• Home
  • Fresh Scoops
  • Madonna says thanks to all her Filipino fans for sticking by her through the years.

Madonna sings "Crazy For You" after 30 years

Madonna says thanks to all her Filipino fans for sticking by her through the years.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/26/2016 07:34 AM
Madonna sings "Crazy For You" after 30 years
022616-madonna_main.jpgGaya ng first night ng Rebel Heart concert ng Queen of Pop na si Madonna, na first time nag concert sa Pilipinas, puno din ng surprises ang pangalawang gabi ng kanyang inaabangang performance sa MOA Arena. At ang pinaka malaking surprise na di makakalimutan ng Pinoy Madonna fans ay ang surprise song number ni Madonna ng "Crazy For You." 

"I'd like to dedicate this next song to all my fans for sticking by me through all these years," intro ng singer.  

Unang linya pa lang ng kantang "Crazy For You" ay sinabayan na kaagad ng audience at kita rin ng Queen of Pop na ito ang isa sa most loved hits niya na di mabubura sa listahan. 

Kinamayan pa niya ang ilan sa audience area sa kalagitnaan ng kanta. Matapos ang song number, itinaas ni Madonna ang kanyang dalawang kamay kasabay ng malakas na palakpakan at sigawan ng crowd.

"First in the Philippines! First time I sang the song Crazy for You!"

Ang hit song na "Crazy For You"  ay ni record ni Madonna noong 1984 at released noong 1985 bilang isa sa mga kanta sa original soundtrack para sa pelikulang "Vision Quest" kung saan bida ang isa sa greatest love ni Madonna na si Sean Penn. First time muling kinanta ni Madonna ang awit sa kanyang concert after 30 years. 

Mainphoto credit to madonna IG