• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan says he’s moving on from his video scandal.

EXCLUSIVE: Michael Pangilinan after video scandal: ‘Hindi pa naman ako nababastos’

Michael Pangilinan says he’s moving on from his video scandal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/25/2016 10:51 AM
EXCLUSIVE: Michael Pangilinan after video scandal: ‘Hindi pa naman ako nababastos’
022516-michael_main.jpg“Hindi pa naman ako nababastos!” Ito ang sagot sa Push.com.ph ni Michael Pangilinan nang tanungin namin kung ano ang naging epekto ng pag-amin niya tungkol sa nude scandal na lumabas sa internet recently.

“Parang wala namang naging epekto kasi okey naman lahat ng shows na pinupuntahan ko at kinakantahan. Hindi naman sila nagtatanong or something. Wala namang ganu’n,” patuloy pa ni Michael na ilu-launch na rin bilang aktor sa gay-themed movie na Pare Mahal Mo Raw Ako.

Hindi ba siya nagkakaroon ng awkward feeling kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kanyang nude video?

“Wala na naman tayong magagawa do’n, eh. Saka tapos na yon, move on na kumbaga. Nakita na nila at nag-fiesta na sila, at least, nag-enjoy sila,” natatawa niyang sagot.

Ayon pa sa aktor, next time daw na makikipag-webcam siya ay papatayin na niya ang ilaw.

“Yon yung natutunan ko sa nangyari. Next time talaga, papatayin ko na ang ilaw para wala nang makakakita,” pabiro niyang pahayag.

Samantala, marami ang pumuri kay Michael sa pagganap niya bilang straight guy na iniibig ng best friend niyang si Edgar Allan Guzman na isang paminta o discreet gay.

“Kabado nga ako, eh. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng audience sa akin. Kasi first time kong umarte sa pelikula, Kumbaga, hindi naman talaga ito yung mundo ko kasi sa singing talaga ako... pero sabi nila okey naman daw. Naitawid ko naman daw,” masaya niyang pahayag.

Ayon pa kay Michael, “iba kasi yung nasa stage ako at kumakanta, instant yung reaksyon ng audience, alam mo kaagad. Tsaka don talaga ako mas kumportable kasi kumbaga, hindi na kailangan pa ng masyadong effort.

“Eh, dito (sa pelikula), kailangang pag-aralan mo yung blocking, yung delivery ng dialogue, yung emosyon mo... medyo mahirap.”

Ano ba  ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang best friend niya na lalaki ay in-love sa kanya at umaming bading ito?

“Katulad sa movie, hindi ko siya idya-judge. Sa una siguro, magugulat ako, kasi hindi ko alam na gay siya, eh. Pero dahil matagal at marami na rin kaming pinagsamahan, mas pahahalagahan ko pa rin yung friendship namin. Hindi ko yon tatalikuran.

“Pero dahil straight nga ako, sasabihin ko na hindi pupuwede yung gusto niyang mangyari. Lahat naman pupuwedeng pag-usapan, eh. Ang mahalaga, nando’n pa rin yung respeto nyo sa isa’t isa, ‘di ba?

“Naniniwala kasi ako na sa love dapat walang gender. Walang lalaki o bakla as long as masaya sila sa isa’t isa. Kaya nga pabor ako sa same-sex marriage, eh,” pagtatapos ni Michael.

Ang Pare Mahal Mo Raw Ako ay komposisyon ni Joven Tan na isa sa mga entries sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs ng ABS-CBN. Si Joven din ang sumulat at nagdirek ng pelikula na ire-release ng Viva Films.