ABS-CBN programs and personalities shine at the 2016 Anak TV Awards

Several Kapamilya artists were lauded as "Makabata Stars."

ABS-CBN programs and personalities shine at the 2016 Anak TV Awards-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/24/2016 03:07 AM
ABS-CBN programs and personalities shine at the 2016 Anak TV Awards
022316-Anaktv_main.jpgHumakot ng mga parangal ang ABS-CBN TV shows at personalities sa katatapos lang na 2016 Anak TV Awards. Maagang gumising ang mga Kapamilya para personal na kunin at magpasalamat sa parangal na kanilang nakuha ngayong taon. 

Inaabangan taon-taon ang listahan ng Makabata Stars na kinabibilangan ng personalidad na iniidolo ng mga kabataan. Ngayong taon pasok sa listahan sina: Boy Abunda, Noli de Castro, Luis Manzano, Vhong Navarro, Atom Araullo, Enrique Gil, Coco Martin at James Reid. 

Para kay Atom, malaking karangalan na iniidolo ka ng mga kabataan na manonood.

"Iba ang importance ng parangal na ito dahil kapag iniidolo ka ng kabataan napakalaking responsibilidad niyan at syempre malaking karangalan dahil tama ang ginagawa mo para bigyan ka nila ng pansin," sabi ng ABS-CBN reporter. 

Si Coco Martin naman, nagpasalamat sa karangalan na iginawad sa kanya.

"Basta po pinagbubuti namin ang aming trabaho para ma-entertain sila at matutunan ang mahahalagang aral sa aming mga shows na pinaghahandaan namin para mag enjoy sila."

Sa female personalities pasok naman sina Judy Ann Santos, Alex Gonzaga, Janella Salvador, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Lea Salonga, Charo Santos at Jodi Sta Maria.

Sa mga programang pang telebisyon, nakasama rin ang Maalaala Mo Kaya, Nathaniel, Salamat Dok, TV Patrol, Matanglawin, On the Wings of Love, Dream Dad, Wansapanataym at Superbook Reimagined.