Kyla and R&B singer Brian McKnight will team up for a project

Kyla meets up with R&B singer Brian McKnight in LA

Kyla and R&B singer Brian McKnight will team up for a project-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/02/2016 09:34 AM
Kyla and R&B singer Brian McKnight will team up for a project
020216-kyla_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, nagkaroon ng pagkakataon si Filipino R&B singer Kyla na makipagkita sa kaibigan at International R&B singer na si Brian McKnight. Ito ay matapos ang successful event ng On the Wings of Love sa San Francisco kung saan kumanta si Kyla. Ani Kyla, “I messaged him and I told him ‘I’m in Los Angeles at this time. Can we meet you? We can have lunch.’ Available naman siya, tapos he treated us to lunch.”

Ayon sa report, nagsimula ang komunikasyon ng dalawa sa Twitter hanggang sa maimbitahan si Kyla na mag-perform sa concert ni McKnight 

Ginawan rin ni McKnight ng espesyal na kanta si Kyla, ang “Mine Heart,” na regalo niya sa kasal ng Filipina singer noong 2011.

May balak muli ang magkaibigan na magsama sa isang project. “I asked him if he can write a song for me again and if we can collaborate again. I’m willing to go to the States again and to record with him.”