• Home
  • Fresh Scoops
  • Ate Gay on his longevity as a comedian: ‘Hindi kasi ako nag-i-stay sa pagiging Nora Aunor’

Ate Gay shares his secret to staying strong as a comedian

Ate Gay on his longevity as a comedian: ‘Hindi kasi ako nag-i-stay sa pagiging Nora Aunor’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/03/2016 12:47 AM
Ate Gay shares his secret to staying strong as a comedian
020216-ategay_main.jpgKahit nagkaroon na ng solo concert stand-up comedian na si Ate Gay at napuno niya ang MOA Arena, hindi pa rin siya nag-iinarte pagdating sa billing.

Sa Valentine show na prinodyus ni Joed Serrano titled Panahon Ng May Tama na gaganapin sa February 13, 8 pm.sa Araneta Coliseum, nasa ilalim lang ang pangalan ni Ate Gay.

Mas nauna pa sa kanya ang pangalan nina Gladys Guevara, Bobsie Wonderland. Wala ring “and” sa pangalan niya at ni Papa Jack na kasama rin sa show.

“Hindi ako ano sa billing. Maganda naman yung pagkakalagay sa billing and sa show naman, equal participation naman kami,” katwiran niya.

Ayaw naman niyang mag-react sa isyung mas mataas ang talent fee niya kumpara sa mga kasamahan sa show.

“Hindi ko alam, hindi ako nagtatanong, sa manager ko na lang iyon. Siguro, kung sinong pinakamataas diyan sa tarpaulin, iyon ang mas mataas ang talent fee. Hahaha!” natatawa niyang pahayag.

Maraming komedyante na nanggaya kay Nora Aunor ang wala na ngayon sa eksena, pero kapansin-pansin na siya ay nananatiling “in” pa rin. Bakit nga kaya?

“Ang secret kasi, hindi ako nag-i-stay sa pagiging Nora Aunor,” paglalantad niya.

Dagdag pa niya, “Meron akong ibang way para maiba naman as Ate Gay. Like yung mga mash-up at iba pang mga jokes. Kasi bilang isang comedian, sabi ko nga, dapat kung ano ang gusto ng manonood, yon ang ibibigay mo.”

Ayaw din daw niyang iwan ang stage kaya nag-aaral din siya ng mga bagong kanta at bagong jokes.

“Ganu’n naman dapat, eh. Kapag may bagong songs, pinag-aaralan ko. Oo, merong mga dati, pero dapat kahit papaano, updated ka or else, waley ka,” sey pa niya.

Natawa naman si Ate Gay sa tanong kung ano ang masasabi niya na mas may boses pa siya ngayon kesa sa ini-impersonate niyang si Nora Aunor.

 “Ay, ano ba ’yan… Wala namang Ate Gay kung wala ang Superstar,” reaksyon niya.

Eh, paano ba siya naging Noranian?

“Kasi ang nanay ko Noranian, eh. Kaya ‘yon, nahawa na rin ako,” pabiro niyang pagtatapos.