Nora Aunor to Manny Pacquiao: ‘Hayop… Hayop!’

Nora Aunor repeats her famous line for Manny Pacquiao.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/19/2016 09:30 AM
Nora Aunor to Manny Pacquiao: ‘Hayop… Hayop!’
021916-nora_main.jpgBumwelta rin si veteran at multi-awarded actress Nora Aunor kay Congressman Manny Pacquiao. Kaugnay pa rin ito ng kontrobersyal na pahayag ni Manny laban sa LGBT community at same sex marriage. Ani Nora, “kung ano yung personal na opinyon niya dapat itago na lang niya, wag na siyang magdadaldal para siyang babae ‘di ba… Pakialam niya kung ano ang mga… ‘Di ba wala siyang pakialam doon. E masama na nga kung sugarol ka, babaero ka. Mas masama yun ‘di ba? Tsaka wag niyang sasabihing hayop kasi mga tao yun e.” 

Ipinaliwanag rin ni Nora kung saan nagmumula ang kanyang galit. “Naibuhos ko talaga kung ano yung sama ng loob ko, kasi Diyosko kailangan suportahan ko yung mga kabaro ko…” 

Dagdag pa ni Nora, “suportahan natin yung mga kapwa natin, kapwa niyo, suportahan natin kasi wala naman silang ginagawang masama.” 

Pinakawalan rin ni Nora ang kanyang famosong linya mula sa pelikula niyang Ina ka ng Anak Mo, kung saan nahuli niyang nakikiapid ang kanyang asawa sa kanyang ina. “Hayop… hayop!” sabi ni Nora. 

Pahabol pa ni Nora tungkol kay Manny, “andun na e… mayabang talaga siya …”