• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli says Sarah Geronimo spent some time bonding with his family.

Matteo Guidicelli on Valentine date with Sarah Geronimo: ‘The purpose of love is for us to be happy’

Matteo Guidicelli says Sarah Geronimo spent some time bonding with his family.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/18/2016 02:30 AM
Matteo Guidicelli on Valentine date with Sarah Geronimo: ‘The purpose of love is for us to be happy’

021716-matteo1.jpgSa red carpet premiere para sa pelikulang Tupang Ligaw kung saan bida si Matteo Guidicelli sa kanyang unang action movie, nagbigay comment ang aktor sa kumalat na picture nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo na magkasama noong Valentines Day at kasama din sa picture ang nakababatang non-showbiz na kapatid ni Matteo. Nagpasalamat si Matteo sa positive comments na nakukuha ng picture na ito.

"Maraming salamat. That’s the whole purpose of love, that’s the whole purpose of love is for us to be happy. There’s no reason, there’s no touch of sadness, there’s no negative vibes in making people happy."

Naging bonding time daw ang araw ng Valentines para sa pamilya ni Matteo at kay Sarah na botong-boto sa kanya.


"I don’t want to say to much but my family is happy with Sarah. She’s an awesome girl. Nagkaroon talaga ng oras. Family bonding talaga."

Dahil number one ngayon ang latest album ni Sarah, nagbigay ng mensahe si Matteo.

"Astig! Congratulations! Expected naman sa kanya yun eh."

At kung magkakaroon daw ng magandang time, manonood daw sila ni Sarah ng kanyang pelikula.

"Supportive naman siya in all my projects. She’s always there for me. Kapag may time papanoorin namin ito," pagtatapos ni Matteo.