Manny Pacquiao dines with LGBT members

Manny Pacquiao apologizes again to LGBT community

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/17/2016 11:34 AM
Manny Pacquiao dines with LGBT members
021716-manny.jpgSa ulat ni Francis Canlas para sa Bandila, inimbitahan ni Manny Pacquiao ang mga miyembro ng Manny Pacquiao Basketball League para makasabay niya sa hapunan. Kabilang sa MPBL ay mga members ng LGBT community.

Kailan lang maraming nasaktan si Manny na members ng LGBT community dahil sa kontrobersyal na pahayag niya laban sa same-sex marriage.

Sinabi naman ng mga supporters ni Manny na kabilang sa LGBT community katulad ni Homer Kindat na pinagkibit-balikat na lang nila ang pahayag ni Manny dahil mas kilala nila ang totoo nitong pagkatao. “Yun yung opinyon niya, naiintindihan ko yun. Kung nasaktan (ako), hindi malalim.” Ayon naman kay Jeffrey Sepulveda na isa ring LGBT member, “tao lang din tayo, magpapatawad.”

Muling nagpahayag ng apology si Manny sa kanyang mga nasaktan, “yung mga nasaktan sa pagamit ko ng… sa pagkumpara ko ng tao sa hayop, e pasensiya na  po ako. Humihingi ako ng paunmanhin sa inyong lahat…”

Giniit ni Manny na nanatili ang kanyang stand sa same sex marriage. “…pero
ang aking statement, decision na against ako sa same sex marriage e ganun pa rin, walang pagbabago. Nakasulat at kautusan ng Panginoon yan.”

Ganunpaman, nakahanda raw siyang sumuporta sa LGBT community katulad ng pagsuporta niya sa ibang mga kababayan.