Xian Lim and Kim Chiu talk about their love scenes for ‘The Story of Us’

Kim Chiu gives career advice to Xian Lim

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/16/2016 12:47 AM
Xian Lim and Kim Chiu talk about their love scenes for ‘The Story of Us’

021616-Kimxi1.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, malapit na umere ang comeback serye ni Xian Lim at Kim Chiu na The Story of Us. Aminado si Xian na nalungkot siya dahil natagalan ang follow up serye niya. “Nalungkot ako pero at the same time strong po ang support group ko.” Dagdag pa ni Kim tungkol sa saloobin ni Xian, “Marami naman siyang kayang gawin, bakit daw hindi nabibigyan ng pagkakataon, sabi ko ganun lang talaga antay-antay tayo.”

Matapos naman ang mga RomCom projects ng dalawa, level up sila sa drama sa The Story of Us pati na rin sa mga love scenes. Aminado si Kim na nailang siya at humingi siya ng restrictions sa pagawa ng love scenes. Rebelasyon pa ni Xian, “tinanong ko muna siya kung hanggang saan ba ‘to, kasi ayaw ko naman siya ma-offend.”

Isang challenge din sa dalawa ang mga eksenang kinunan sa ilalim ng dagat. “60 feet siya na lalim, dun siya kinunan sa pinakailalim para makita talaga yung tubig sa Palawan.” Kwento pa ni Kim, “nakaapak siya ng sea urchin, yung sa eksena na naglalakad siya na naka-topless siya, tiniis niya yun.”