• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer reveals the video was taken when he was 17 years old.

Michael Pangilinan admits to having a sex video

The singer reveals the video was taken when he was 17 years old.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/15/2016 09:58 PM
Michael Pangilinan admits to having a sex video
021516-MICHAEL.jpgInamin ng Harana Prince at second placer ng Your Face Sounds Familiar season 2 na si Michael Pangilinan na totoong sa kanya nga ang kumakalat na sex video sa social media at sa iba pang porn sites.

Ayon sa manager ni Michael na si Jobert Sucaldito, Valentine’s Day nang matanggap niya ang nude photo ng singer sa kanyang Facebook account. Screen grab daw ito na kuha sa isang video clip.

“I doubted on the veracity of the scandal na balitang kumalat nung mismong Valentine's Day. I asked my friend na nagpadala sa akin ng pic na gusto kong makita ang video na pinanggalingan ng picture na iyon para makasiguro akong hindi fake iyon. Na hindi lang isang paninira ang item na iyon sa alaga ko. Puwede kasing screengrab kuno ng video iyon pero puwede i-edit ang mukha, di ba? Madaling gawin iyon for people in the know,” kuwento ng Jobert.

“Late night ng February 14 ay may natanggap akong text message from another friend na sobrang worried dahil more than 36,000 na raw ang views. Nag-trending na raw lalo na sa Twitter, Facebook and other sex sites. I asked for a copy of the video at pinadalhan nga ako nito sa FB account ko,” patuloy niya.

Na-shock daw siya nang mapanood ang video.

“I saw the video. Oh no! I got the biggest shock ng buhay ko because it's true -- si Michael nga ang nasa video playing with himself. Lumalabas sa sex video na meron siyang ka-chat at pa-Ingles-Ingles pa si bagets.

“ Ngayon, ang naglalaro sa isip ko, kailan kaya kuha ang video na iyon? Mahalaga sa akin kasi kung kailan ba kinunan ang video na iyon -- noon ba or lately lang.

“Hanggang sa makita ko sa video ang tattoo sa braso niya -- yung lumang tattoo pa niya -- medyo marumi pa. Ah ok, 'kako. That was taken more than 3 years ago when he was barely 17 years old pa lang. I immediately texted Michael to see me,” dire-diretsong kuwento pa ng talent manager.
Hindi naman itinanggi ni Michael sa manager na siya nga ang nasa sex video.

“Matagal nang kuha iyon, 'Nay. More than 3 years ago pa. May ka-chat akong half-Filipina half-American girl na kalandian ko. Iyon yung panahon ng kagaguhan ko pa, remember? Yung kataasan ng katigasan ng ulo ko. He! He! He!” pagtatapat ni Michael kay Jobert.

Dagdag pa niya,  “Wala iyon, 'Nay. Huwag kang mag-alala - hindi na mauulit iyon. Di ba't matagal na akong good boy? Sorry 'Nay ha, binigyan na naman kita ng problema. Promise, good boy na ang baby mo," pangako nito sa manager.    

“Ayon naman kay Jobert, “Ano pa nga ba ang gagawin ko,  eh, matagal na bagay na iyon.  Ang mahalaga ay umamin ang anak ko. Hindi naman marunong magsinungaling ang batang iyan eh. Sabi ko nga, kung recently lang kuha iyon, masasapok ko talaga siya. Kaso matagal na pala iyon and it just so happened na may nag-upload. sumabay pa siya sa paglipana ng mga sex videos ng mga male stars natin.”

Eh, ano ba ang reaksyon ni Michael sa paglabas ng kanyang sex video?

“Siyempre, natauhan din ako. Alam kong lalabas din yung sa akin kasi nga napakarami nang naglabasan. Hinihintay ko na lang kung kailan niya ilalabas.

“Sa totoo lang, nangati akong i-text yung girl na iyon kung ano ang napala niya sa pag-upload niya ng video ko pero naisip ko, huwag na lang. Kasi nga, baka lalo lang lumala.

“Mag-enjoy na lang siya at nagtagumpay siyang pagpistahan ako. Sa mga nakapanood ng video ko, Happy Valentine's na lang and congrats," biro pa ni Michael.

On a serious note, humingi ng paumanhin si Michael sa kanyang supporters.

"Life moves on. Maraming salamat sa mga fans kong hindi bumitiw, na patuloy pa rin akong minamahal kahit may kagaguhan akong ginawa in the past. Alam kong mali ang ginawa ko and I feel sorry for that.,” sabi pa niya.
May benefit concert si Michael Pangilinan kasama si Marion Aunor sa Zirko (Tomas Morato) sa March 6.