• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla wants to keep details of her upcoming wedding private.

Zsa Zsa Padilla plays mother to Kim Chiu in ‘The Story of Us’

Zsa Zsa Padilla wants to keep details of her upcoming wedding private.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/12/2016 08:40 AM
Zsa Zsa Padilla plays mother to Kim Chiu in ‘The Story of Us’
021216-zsazsa.jpgHuling napanood sa teleserye ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa Mars Ravelo’s Dyesebel, at ngayon ay nagbabalik sa KimXi teleserye na The Story of Us na mapapanood na ngayong Pebrero. Ayon kay Zsa Zsa, mas lumaki ang respeto ng kanyang partner na si Conrad Onglao sa kanyang trabaho lalo na ngayon at muli na siyang nagte-taping para sa teleserye.

"Mas naintindihan na nya ngayon na pinagpapaguran ang bawat eksena, iyung aalis ka ng maaga tapos uuwi ka na the following day, nakita niya ang dedication ng mga tao sa trabaho natin, kaya ang laki ng respect niya sa mundo natin."

Gagampanan ni Zsa Zsa ang role bilang nanay ni Kim Chiu sa The Story of Us na may magandang mensahe para sa pamilyang pinoy.

"Kagat na kagat ang message ng story ng teleseryeng ito. Bale kasi ako ang mom ni Kim tapos bigla ako nawala and then doon na magsisimula ang story na aaabangan nila."

Sa kanya namang personal na buhay, nag-request si Zsa Zsa na di magbigay ng detalye tungkol sa kanyang kasal kay Conrad Onglao. Pero sinabi ni Zsa Zsa na hindi muna sa first quarter ng taon na ito dahil busy siya sa pagta-trabaho.

"Gusto talaga namin ng private lang na seremonyas, parang tapos na rin ako sa pagsusuot ng wedding gown, basta simple lang."

Walang valentine show ngayon si Zsazsa at waiting lang daw siya kung saan sila magde-date ni Conrad at kung anong concert ang kanilang panonoorin.