• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Tolentino says all couples go through challenges in their marriages.

Regine Tolentino reacts to breakup rumors with Lander Vera Perez

Regine Tolentino says all couples go through challenges in their marriages.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/12/2016 08:31 AM
Regine Tolentino reacts to breakup rumors with Lander Vera Perez
021216-regine.jpgMatagal nang bali-balita ang diumano’y paghihiwalay nina Regine Tolentino at ng husband niyang si Lander Vera Perez, pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Kaya naman inusisa namin kay Regie nang makausap namin siya sa presscon ng Ang Panday where she plays a kontrabida role.

“Siyempre, bilang mag-asawa, nagkakaroon ng mga problema, so yon... okay naman. Busy lang kami pareho, may soap siya, may soap ako. Tapos bising-bisi ako sa zumba,” pahayag agad niya sa Push.com.ph.

“Lahat naman ng mag-asawa ay may pinagdadaanan. Tao lang. So, siyempre kailangan lang talaga ng time at saka ng God’s grace para mas lalong tumibay at para mas maging okey lahat,” dagdag pa niya.

Sa pinagdadaanan nilang mag-asawa ngayon, inamin ni Regine na siya ang mas nagiging submissive.

“Yeah, this time ako ang submissive, ako yung submissive kasi... mahirap na...”  bitin niyang pahayag na ayaw na niyang dugtungan pa kasi iniiwasan daw niya talagang magsalita.

Ipinagmalaki naman ni Regine na palagi namang nakasuporta ang parents niya sa kanya kahit ano pa ang mangyari.

“Basta nandyan lang siya para sa amin all the time kaya I’m so blessed. I have the best parents in the world na sobrang supportive at sobrang nagmamahal sa akin at sa mga anak ko,” sey pa niya.

Sa dalawang anak na babae niya rin daw siya kumukuha ng lakas ngayon.

“Yes, sa kanila ako kumukuha ng lakas at sila rin yung malakas para rin sa akin.”

Sa isyu ng third party sa side ni Lander, ayaw ding magbigay ng comment ni Regine. Napailing lang siya.

Sa tanong namin kung iisa pa ba silang bahay na inuuwian, medyo natigilan si Regine.

“Well, I prefer not to comment on that.  Basta okay naman lahat. Masaya lahat and the kids are doing great,” she said.

Eh, may chance ba na maayos pa ang lahat sa kanila ni Lander?

“Hmmm. Hahaha! I don’t know what to say... tao lang!” pag-iwas niya sa tanong.

Samantala, inamin ni Regine sa Push.com.ph na isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang magsalita tungkol sa estado ng relasyon nila ng asawa ay dahil sa kanyang endorsements.

“Alam mo naman, you also need to protect your image, your endorsements... Yon lang muna ang masasabi ko ngayon,” pagtatapos ni Regine.

Main Photo credit to reginetolentino IG