• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Richard Gutierrez reveals why he and Sarah Lahbati have not yet decided to get married

EXCLUSIVE: Richard Gutierrez reveals why he and Sarah Lahbati have not yet decided to get married

Richard Gutierrez says he and Sarah Lahbati are not in a rush to tie the knot.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/12/2016 9:07 AM
EXCLUSIVE: Richard Gutierrez reveals why he and Sarah Lahbati have not yet decided to get married


021216-richard.jpgAyaw makiuso at makipagsabayan ni Richard Gutierrez sa mga showbiz couple na nagpakasal na. Ito ang inamin ng aktor nang makorner namin siya after the presscon ng Ang Panday ng Viva at TV5 na hudyat ng pagbabalik teleserye niya sa primetime pagkatapos mamahinga ng maraming taon.

Oo nga, eh. Uso nga ata. Siyempre, hindi naman tayo makikisabay sa uso, pero sa tamang panahon yung para sa amin ni Sarah (Lahbati),” simulang pahayag ni Richard sa Push.com.ph.

Hindi ba nangungulit si Sarah about their wedding?

 “Wala... alam naman niya… namin pareho na this year nabigyan kami ng opportunities na magkaroon ng magagandang projects , so naka-concentrate kami ngayon sa trabaho. Pero the right time will come,” paniniguro pa niya.

Richard is the lead actor in Ang Panday which will start airing sa last week ng February. Si Sarah naman ay isa sa mga bida sa ABS-CBN series na Written In Our Stars.

Ano naman ba ang feeling na magkaiba sila ng TV network na pinagtatrabahuhan?

“Well, pareho kaming masaya, yon ang pinakaimportante sa lahat. Masaya siya sa ginagawa niya sa ABS, binibigyan siya ng importansya don.

Masaya din ako dito sa TV5. Ang importante, pareho kaming masaya and we support each other,” sabi pa niya.

Samantala, when asked kung isyu ba sa kanya ang pagpapaseksi ng girlfriend sa mga production number nito sa ASAP, ayon kay Ricahrd, “Natutuwa nga ako, ang gaganda ng mga production number niya, sexy siya.”

Hindi ba nagpapaalam si Sarah sa kanya kapag may sexy production number siyang gagawin?

Hindi na naman niya kailangang magpaalam. Alam naman namin yung trabaho namin at kilala namin ang isa’t isa,” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya, “Wala na kami sa level na nagpapaalam-paalam pa...  alam mo yon. We understand each other. I’m happy for her, you know, na ang gaganda ng prod number niya.”

Nagbigay din ng comment si Richard sa mga nagsasabi sa social media na bagay maging Darna ang kanyang GF.

“Oo nga, eh,  nagti-trending siya lagi. Masaya ako for her and feeling ko talaga, bagay sa kanya ang maging Darna. Tindig pa lang niya, superhero na,” pagmamalaki pa niya.