• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Xian Lim shares the most important lesson he learned from Vilma Santos

EXCLUSIVE: Xian Lim shares the most important lesson he learned from Vilma Santos

Xian Lim says he appreciates Vilma Santos for sharing her life experiences.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/10/2016 2:06 AM
EXCLUSIVE: Xian Lim shares the most important lesson he learned from Vilma Santos


020916-xian_main.jpgKahit matindi ang sipon at masama ang pakiramdam dahil sa pagod at dami ng trabaho ay natuloy pa rin ang intimate interview/bonding namin kay Xian Lim sa isang resto sa Quezon City. Habang kausap namin ang aktor ay panay ang hingi niya ng tubig sa waiter. Bago ata natapos ang tsikahan namin, naka-10 baso siya ng tubig na nainom.

Ipinakuwento agad namin kay Xian kung ano ang hindi niya makakalimutan sa pelikulang Everything About Her na first time nilang pinagsamahan ni Vilma Santos at Angel Locsin.

Ayon sa aktor, “Ang hindi ko makakalimutan na nangyari sa akin while doing Everything About Her ay yung mga patay na oras namin, yon kasi yung mga pagkakataon na magkuwentuhan kami.

“Tapos nakikinig lang naman ako kay Ate Vi. Pero yung mga times na nagsi-share siya about her experience in life, I think, yon yung pinaka hindi ko makakalimutan, kasi ang dami niyang sinasabi sa akin na ano, eh...  mga napagdaanan niya and at the same time yung sinasabi niyang pakikitungo rin sa tao.

“She was saying na it’s very important (pakikisama). Iba yung wisdom niya. Sabi ko nga, grabe kasi hindi siya selfish na i-share yon (experiences). Ako naman, five years pa lang naman ako dito... parang yung binibigay niya sa akin (advice) na  ‘anak, dapat ganito-ganyan.’ Alam mo yon, complete alalay talaga siya sa akin.

“And at the same time, parang nawala rin yung (takot), parang na-relax ako. Ang galing, parang ganito pala yung dapat gawin at yung samahan dito,” dire-diretsong kuwento ni Xian sa Push.com.ph.

Idinagdag din ni Xian na maituturing niyang highlight of his career ang makatrabaho si Vilma at Angel at maging part ng Everything About Her.

“Ay sobra, oo naman. Ito na siguro yung highlight ng career ko. Hehehe!” pagkumpirma niya.

“Sabi ko nga sa yo kanina Kuya Leo, meron palang ganu’n na parang nasa set pero talagang binabasa nila yung script, na seryoso talaga sila. Kasi nasanay ako dati na polite and courteous ako sa mga nakakatrabaho ko. Yung polite na ‘hello po, kumusta po.’ Dito sa amin, walang ganu’n ganu’n.

“Kasi after n’yo namang gawin yung film, puwede mo naman kaibiganin yung co-stars mo, di b a? Pero yung approach sa amin dito ni Direk Joyce (Bernal), iba, eh,” sabi pa ni Xian.

Ini-expect ba niya na mapapansin ng tao ang galing niya sa pag-arte sa pelikula bilang Albert Mitra?

“Wow, overwhelmed ako sa lahat ng nangyayari,” bulalas ng aktor.

“Sa totoo lang, hindi ko akalain na magiging ganito yung pagtanggap ng mga tao sa ginawa ko, kasi nga dati di ba... alam mo yung parang kulang na lang makipag-usap ako ng ganito (hiyang-hiya) sa mga tao. Nabasa ko rin sa social media na bakit daw ako? May violent reaction pa nga yung mga tao na bakit ako yung nasa pelikula.

“I never expected na parang after a very long time, kasi ang tagal din naming ginawa yung pelikula, na may makikita pala silang something inside (me) na naibigay ko. I mean, nung ginagawa naming yung pelikula hindi naman namin naisip na parang meron akong kailangang patunayan,” patuloy ni Xian.

Paulit-ulit din saw sinasabi sa kanya ni Direk Joyce na, “Xian, wala kang kailangang patunayan dito. Ang kailangang gawin mo lang ay ang trabaho mo.’

 “I feel really happy and I’m thankful na nagustuhan nila yung ginawa ko,” pahayag pa ni Xian.