Liza Diño wishes audiences will react positively to MMFF

Liza Diño says quality films in the MMFF are what they have envisioned for a long time.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2016 9:07 AM
Liza Diño wishes audiences will react positively to MMFF


120916-LizaDino_push.jpgPositibo ang naging pananaw ng Chairperson ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na si Liza Diño para sa unti-unting pagtanggap ng mga Pilipino sa maraming pagbabago na nagaganap sa MMFF 2016.

Una na dito ang sabay-sabay ng pag-promote ng walong entry ng filmfest noong nakaraang weekend na dinaluhan ng mga bida na kalahok sa film fest.

"Change has come, ang sarap ng feeling na it’s just a positive vibe for all the eight. Alam naman natin na medyo struggle ngayon dahil punong-puno tayo ng controversies ang MMFF but andito kami. We're all united and we are really, really following the vision of MMFF now and we just have to embrace it."

Inuulan man ng batikos, naniniwala si Liza na ito na ang uumpisa ng pagtanggap tungo sa pagbabago ng kalidad na pelikula na mapapanuod tuwing kapaskuhan.

"Ang pressure talaga ay nasa producers. Kasi ang goal lang nila ngayon ay gumawa ng pelikula and I think they just have to give that. But in terms of marketing and distribution ay marami pang dapat pag-aralan so I think lahat ngayon, it's all learning, a learning curve with the birthing pains coming from something that we believed for a better MMFF for the coming years."

Sa panayam na ito naibahagi din ni Liza ang pagbabago din sa magaganap na float parade sa December 23, na inilarawan niya na magiging selebrasyon ng pag kakaisa.

"We are still following the traditional parade ang sarap sa feeling na we're all united, ngayon mas standard lang ang sizes ng mga float. Tapos parang motorcade lang na it's a day of celebration of unity. Tapos lahat kami sa plaza Miranda, it's a really different feeling ngayon kasi hindi pabonggahan."

Dahil busy at abala sa kanyang mga tungkulin sa FDCP, naitanong din kay Liza kung paano nila i-celebrate ng kanyang asawa na si Aiza Seguerra ang kanilang Pasko.

"December 25 nasa playdate committee ako for MMFF. Siguro mas malaking adjustment. Sana lang magkasama kami sa Christmas. May lakad siya for abroad so we're really coping with the changes talaga," pagtatapos ni Liza.