• Home
  • Fresh Scoops
  • Jonas Gaffud is positive about a back-to-back Miss Universe win

Jonas Gaffud is positive about a back-to-back Miss Universe win

Jonas Gaffud believes Maxine Medina has what it takes to win Miss Universe.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2016 9:08 AM
Jonas Gaffud is positive about a back-to-back Miss Universe win


120916-Jonas_push.jpgLooking forward ngayon ang mga pageant enthusiasts para sa papalapit na pinakamalaking kaganapan sa larangan ng beauty pageant, ang Miss Universe 2016.

Dahil dito, all eyes ngayon ang mga experts, mentors, at mga pageant fanatic sa pambato ng Pilipinas sa Miss U na si Maxine Medina at umaasa ng back-to-back win para sa bansa.

Pero ayon mismo kay Jonas na nag-train at humubog sa kasalukuyang Miss Universe na si Pia Wurtzbach, posible at nakikitaan din niya ng potensiyal ang kanyang bet na si Maxine Medina sa posibleng back-to-back crown para sa Pilipinas.

"Possible naman siguro at kakayanin, try natin yan kasi ang mahirap lang kasi nasa bansa mo e so medyo baka isipin nila niluto lang ba or dinaya," kuwento pa niya.

Naniniwala din ang Beauty Queen maker sa kakayahan ni Maxine dahil sa potensiyal nito at pagpupursigi upang makuha muli ng bansa ang korona.

"I believe in Maxine. She's very beautiful; she's very pretty. She is making sure that she will be the next Miss Universe," sabi pa ni Jonas.

Purigido man si Maxine, hindi pa din nag-papakakampante si Jonas na i-train at hubugin ang kanyang bet para sa papalapit na laban nito. Aniya, maraming mga kandidata ang magaganda na posibleng maging kalaban ni Maxine sa korona.

"Noong una akala ko wala naman masyadong threat, hindi naman threat no kumbaga wala pang masyadong umuusbong na pangalan. Pero habang tumatagal sobrang dami kong nakikitang magandang babae. Iba kasi pag nakikita mo ang mga girls sa Miss Universe. Pag in person na iba sila e andami parang sasabihin mo na 100 Barbie doll and I believe Maxine will stand out," pagtatapos ni Jonas.