• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban admits she's very picky about accepting new projects

Angelica Panganiban admits she's very picky about accepting new projects

Angelica Panganiban wants to make sure each role she takes on leaves a mark on audiences.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/9/2016 9:11 AM
Angelica Panganiban admits she's very picky about accepting new projects


120916-AngelicaPanganiban_push.jpgHindi makapaniwala ang tinaguriang bagong Drama Queen na si Angelica Panganiban para sa patuloy na tagumpay ng kanyang pelikulang The Unmarried Wife kung saan kasama niya si Paulo Avelino at Dingdong Dantes.

Kuwento ni Angelica, ito ang unang pelikula niya na kumita ng umabot sa 246.3 million magmula ng magbukas ito sa mga sinehan tatlong linggo nang nakalipas.

"Hindi ko siya expected at all, ito ata yung pinaka-unang pelikula ko na umabot ng more than 250 million ang kinita, kaya hindi ako makapaniwala na nangyayari ito talaga."

Positibo naman ang naging pagtanggap ni Angelica sa bagong bansag sa kanya bilang bagong Drama Queen. Aniya, challenge ito sa kanya sa mga susunod na proyekto.

"Hindi  naman siguro, pero I would like to take it in a positive way. Siguro kung makakagawa pa ng mas challenging pa na pelikula, mas mature pa na roles para bago ang tatalakayin natin, mapa-drama or comedy pa siya. Basta nakikita ko na may kabuluhan yung gagawin natin," saad ni Angge.

Dagdag pa ng aktres, clueless daw siya ngayon kung ako ang susunod na gagawin. Sabi pa ng aktres, choice niya ang maging mapili sa kanyang mga ginagawang proyekto dahil gusto niya na tumatak ang lahat ng kanyang role na ginagampan.

"Kung sa teleserye, wala pa akong alam. Malamang pagdating ng January may mga naka-schedule naman na mga meeting, mga bagong pitch ng bagong project. Siguro basta titignan natin kung ano ang maganda sa mga iyon. Kilala naman kasi ako ng mga tao na hindi ako yung parang game na game masundan agad ang isang project. Mas gusto ko yung kahit matagal, kahit may pagitan, kahit hindi ka nakikita madalas ng mga tao, gusto ko pag nakita nila ako at napanuod at hindi nila ako makakalimutan for a very long time."

Dahil sa pagkakaroon ng magandang feedback ang kanyang pelikula, naitanong din kay Angelica kung ano ang kanyang regalo para sa sarili ngayong pasko.

"After matapos ng pelikula for a very long time, nakapag-mall ako kahapon at nagpunta ako sa bookstore naka-five thousand ako worth of books. Tapos naisip ko, ayan may Christmas gift na ako sa sarili ko. Tuwang-tuwa ako kasi ang simple lang ng happiness ko. Kung may bibilhin man ako baka ganun lang ulit kababaw," pagtatapos na kuwento ng aktres.