• Home
  • Fresh Scoops
  • PAMI will not allow their artists to work with Baron Geisler or Arlyn Dela Cruz

PAMI will not allow their artists to work with Baron Geisler or Arlyn Dela Cruz

PAMI condemns urinating incident during the shoot of “Bubog”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/8/2016 10:30 AM
PAMI will not allow their artists to work with Baron Geisler or Arlyn Dela Cruz


120816-PAMI_PUSH.jpgSa TV Patrol, pinagbawalan na ng  PAMI o Professional Artist Manager Inc. na makatrabaho ng mga artista nila si Baron Geisler at maging si director Arlyn Dela Cruz matapos ang kontrobersiyal na pag-ihi ni Baron sa co-star na si Ping Medina sa isang shoot. 

Sinabi rin ng manager ni Baron na si Arnold Vegafria na hindi siya tatanggap ng proyekto para sa aktor hanggang hindi “mentally fit at psychologically stable” para magtrabaho muli si Baron.

Nagbigay ng pahayag si Baron tungkol dito, “PAMI I am sorry if you do not want me to work with your actors and stars. I will understand. I will move on; but sana po maging biased po sila at alamin, alamin ang katotohanan. I am willing to wait magpapaganda lang ako ng katawan, papakita ko sa kanila…” 

Nag-sorry din siya kay Ping at direk Arlyn. “I am sorry kay Ping. I am sorry rin kay Miss Arlyn. Gaya nga ng sinabi ko it’s a big misunderstanding. Ayaw ko na po ng drama sa buhay ko kasi marami na.” 

Pagpapatuloy pa rin ni direk Arlyn ang pelikulang Bubog at pinasalamatan niya si Allan Paule at Karl Medina na gaganap sa dating role nina Baron at Ping.