• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo admits she was very inspired while filming ‘Ang Babae sa Septic Tank 2’

Eugene Domingo admits she was very inspired while filming ‘Ang Babae sa Septic Tank 2’

Eugene Domingo returns to the MMFF with a sequel to her hit movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/8/2016 10:04 AM
Eugene Domingo admits she was very inspired while filming ‘Ang Babae sa Septic Tank 2’


120816-EugeneDomingo_PUSH.jpgVery thankful at very excited kung ilarawan ng comedy actress na si Eugene Domingo ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik niya sa Metro Manila Film Festival ngayong 2016.

Kabilang sa mga mapapanuod ngayong taon ang sequel ng kanyang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank kung saan makakasama niya ang kapamilya actor na si Jericho Rosales.

Dahil sa mga pagbabago sa patakaran ng MMFF 2016, mas nangingibabaw daw para kay Uge ang excitement dahil sa muli niyang pagbabalik sa film fest.

"Hindi po ako kinakabahan siguro mas excited lang kami kasi nakapasok kami sa MMFF at aasahan namin na sa unang araw palang makakita na kami ng mahabang pila at mag enjoy sila."

Sabi pa ni Uge, malaki ang tiwala niya sa kanyang direktor na si Marlon Rivera kung kaya, ipinaubaya na lang niya ang lahat dito dahil mas nanaig ang kasiyahan sa kanilang lahat habang binubuo ang pelikula.

"No, kasi hinayaan ko na lang sila kasi inspired kaming lahat. Chris Martinez is also inspired, our director Marlon Rivera is inspired, the set is very happy and lahat ng nangyayari sa project ay very very positive." Masayang kuwento ni Eugene.

Sinisigurado din ni Uge na mas kapanapanabik na Eugene Domingo ang mapapanuod sa sequel ng Ang Babae sa Septic Tank na tiyak magpapasaya ng pasko ng bawat manunuod.

"Si Ms. Eugene is rejuvenated, si Ms. Eugene sa Ang Babae sa Septic Tank 2 ay mas fresh, mas excited to work with the director of the Septic Tank 1 and she's very inspired,"pagtatapos na kuwento ni Eugene.