• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Matti explains why he chose a new breed of actors to lead ‘Seklusyon’

Erik Matti explains why he chose a new breed of actors to lead ‘Seklusyon’

Erik Matti also explains his long absence from the horror genre.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/8/2016 10:08 AM
Erik Matti explains why he chose a new breed of actors to lead ‘Seklusyon’


120816-ErikMatti_PUSH.jpgMatagal ulit bago nakagawa ng horror film si Direk Erik Matti. Ayon sa director, ang pelikulang Pasiyam nag last horror film na ginawa niya sa Reality Entertainment.

“Natagalan akong gumawa ulit kasi ayoko naman na basta horror lang yung gagawin ko. Gusto ko yung kakaiba naman,” simulang kuwento ni Direk Erik sa kanyang pocket presscon para sa MMFF movie na Seklusyon.

We’ve been thinking, actually ilang taon na ito, na parang nag-iisip kami na makagawa talaga ng totoong horror and mahirap maghanap ng horror na idea, eh. Siyempre meron kang kuwentong naisip tungkol sa ghost, kuwentong iba-iba.”

Pero nung narinig daw niya ang kuwento ng kanilang editor tungkol sa kapatid nitong malapit nang mag-pari, nagkainteres siya sa istorya.

“Sinasabihan kasi siya ng simbahan na huwag nang maglalabas nu’ng malapit na sa day ng ordination. Yon daw kasi yun time na mahihirapan siyang pigilan ang sarili pag ite-tempt siya ng demonyo and that stuck with us,” sey pa niya kung paano nabuo ang concept ng Seklusyon.

Taong 1947 ang setting ng Seklusyon at may paliwanag din ang director kung bakit hindi sa present time niya ito ginawa.

“Pag ngayon kasi parang, may new technology na di ba? Tapos medyo matao na yung lugar. We wanted a really strong isolated na feeling, yung parang isolated yung mga tao na involve sa kuwento. At the same time, we were looking for an event wherein yung kwento ng demonyo lumakas.

“So naisip namin, right after ng giyera, everyone even the church is having doubts about sa kanilang faith at yung presence ng God kasi nanggaling sila sa napakalaking giyera. So parang the church is also in rebuilding itself sa time na yon so it leaves you open to questions of ‘has God abandoned us or is God going to be there for us even after the war’? Pero backdrop lang yon ng kuwento,” sey pa ni Direk Erik.

Samantala, sinagot din ng director kung bakit puro baguhang actor ang pinili niyang magbida sa Seklusyon.

Sey niya, “Itong project na ito nu’ng naisip naming gawin nag-isip talaga kami if we could gather a group of actors that we could support and launch. Kasi ang hirap din ngayon with everyone owning all the talents, di ba?

“Ang hirap maghanap ng time for the talents, ang hirap maghanap ng schedule. So we wanted to find actors that we could maybe use for other films, maybe discover a new talent, discover some new faces for the industry.

And we decided to cast Ronnie Alonte, Johnvic (De Guzman) who came from the sports, si Jay-R na baguhan dito sa Manila na isang model. Bagay naman sa kanila yung istorya kasi diyakono sila na mga batang lalaki,” katwiran pa ni Direk Erik.