Vice Ganda clarifies rumored drift with Kris Aquino

Vice shared the conversation he had with the Queen of All Media.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/7/2016 4:56 PM
Vice Ganda clarifies rumored drift with Kris Aquino


120716-vicekris_main.jpgNagpaliwanag si Vice Ganda sa isyung nagtampo siya sa kaibigang si Kris Aquino nang unahin nitong panoorin ang pelikula ni Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” bago ang pelikula niyang “The Super Parental Guardians.”

Ayon sa paglilinaw ni Vice, hindi sumama ang kanyang loob sa dating Kapamilya host dahil naiintindihan daw niya ito.

“Alam mo nung nangyari ‘yun,” simula ni Vice sa kanyang thanksgiving dinner last Monday night, “after nilang lumabas (ni Maine Mendoza), nag-text siya sa akin, kasi nga, mayroon nga kaming movie date. Eh, tumatawag siya, hindi ko siya nasasagot. Tapos, nagte-text siya, hindi ko rin siya nasagot right away.

“Tapos sabi niya, ‘you’re ignoring me,’ tapos sabi ko, ‘no, asawa, ang dami lang ganap kasi ngaragan.’ Sabi ko, ‘sorry, hindi kita nasagot agad.’ Tapos sabi niya, ‘if you don’t want to see us du’n sa date natin, I would understand,’ sabi niyang ganu’n.

“Sabi ko, ‘ay asawa, wala tayong ganu’n, no! Hindi ganu’n ang relasyon natin, no! Hindi naman tayo nagsisimula at natatapos sa trabaho. Hindi tayo ganu’n,” paglilinaw ni Vice sa isyu.

Ipinagdiinan din ni Vice na iba ang love nila ni Kris sa isa’t isa kaya hindi ito basta-basta maapektuhan ng kahit anong isyu.

“Iba ang samahan namin kasi ni Kris. Iba ang love namin,” giit pa niya.

Patuloy pa ng phenomenal box-office star, “Ever since, di ba, lagi ngang sinasabi na ako nagpapa-impluwensiya kay Kris, si Kris nagpapa-impluwensiya sa akin. No, hindi ganu’n. Hindi namin sinasaklawan ang isa’t isa sa lahat ng gusto naming gawin.

“Maraming pagkakataon na hindi kami nagkakasundo but we respect ‘yung mga differences naming dalawa. At saka, right niya ‘yun, ano? Sobra. Kung ako rin naman mabibigyan ng pagkakataon, bakit naman hindi? Gusto ko rin namang magkaroon ng kasamang iba. Mas maganda na marami tayong kaibigan,” paliwanag ulit ni Vice Ganda.

Naikuwento rin ni Vice na natuloy na ang movie date nila ni Kris nu’ng Monday bago siya nagpunta sa thanksgiving dinner for selected members of the entertainment press.

Nanood sila ng TSPG sa Trinoma kasama ang dalawang anak ng Queen of All Media na sina Joshua and Bimby.

Kwento ni Vice Ganda, ang saya raw ng bonding nila ni Kris.

“Kasi ang tagal naming hindi talaga nagkikita. Tele-telepono na lang. Kasi, nakikita ko ‘yung mga pictures niya, fresh siya, saka payat siya, kaya gusto ko siyang makita. Ang ganda niya kaya kanina. Masaya, masaya kaming nagharutan lang at magkatabi kami du’n.

“Tapos, si Bimby rin, miss na miss ko, saka si Josh. Si Bimby, tawa nang tawa. Kaya sabi ni Kris, ‘in fairness sa ‘yo, ha, tinatawanan ka talaga ni Bimby. May crowd ka talagang sosyal,’ sabi niya,” natatawang kwento ni Vice Ganda.