Rosanna Roces reveals details of her same sex wedding

Rosanna admits her partner made her change for the better.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/7/2016 10:29 AM
Rosanna Roces reveals details of her same sex wedding


120716-RosanaRoces_PUSH.jpgSa December 10 magaganap ang same sex wedding ni Rosanna Roces sa kanyang partner na si Blessie Arias sa isang events venue sa Antipolo. Kuwento ni Osang na huwag magulat kung maiyak siya habang nagaganap ang seremonyas dahil marami ang nabago ni Blessie sa kanyang personal na buhay.

"Nagtanggal na ako mag-sigarilyo, tanggal na lahat. Hindi naman ako umiinom eh, hindi na rin nagpupuyat, hindi na rin maligalig ang buhay, normal na."

Aminado si Osang na marami siyang sinabi noon na kinain niya ngayon, gaya ng problema lang ang isang relasyon at kakayanin niya ang mabuhay ng mag-isa. Mula ng makilala niya si Blessie ay naging maayos na siya.

"Yan kasi ang tao na nagpapatino sa akin kaya without even saying [anything], nakukuha ako sa tingin ng tao na yan."

Suportado naman si Osang ng kanyang pamilya sa kanyang desisyon na ito na magbukas ng bagong chapter ng kanyang buhay.

"Nagpaalam kami kay nanay. Sabi niya, ‘Ano ba yan? Kung kailan ka tumanda saka ka nagpakipot.’ (laughs) Sabi ko, ‘Hindi naman ‘nay.’ Christian kasi ang family tapos same sex ang wedding, hindi naman maligalig ang same sex marriage eh si nanay nga nakita niya na dito ako tumitino."

Ang kanyang former cohost sa Startalk at kaibigan na si Butch Francisco ang maghahatid kay Osang sa altar.

"Si Butch Francisco ang maghahatid sa akin sa altar. Siya kasi yung parang kuya ko na parang kapatid ko na siya. May mga sikreto ako na siya lang nakakaalam. Tapos ilan na ang apo ko siya ang ninong so hindi na talaga iba sa akin si Butch."

Isa rin sa mga ninang si Nora Aunor na personal na pinuntahan ni Rosanna at Blessie sa media conference ng pelikulang Kabisera para magpaalam ng personal.