• Home
  • Fresh Scoops
  • Loren Mar Artajos vows to fulfill her duties as 2016 Miss Philippines Earth

Loren Mar Artajos vows to fulfill her duties as 2016 Miss Philippines Earth

Loren Mar Artajos says she hasn’t had the chance to talk to Imelda Schweighart yet.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2016 10:25 AM
Loren Mar Artajos vows to fulfill her duties as 2016 Miss Philippines Earth


120716-MissEarth_PUSH.jpgNakisaya ang mga Miss Philippines Earth 2016 Queens sa naganap na gift-giving sa mga charitable partners ng Blue Water resort sa Sumilon Island, Southern Cebu, kasama ang bagong Miss Philippines Earth 2016 na si Loren Mar Artajos.

Dito ekslusibong ikinuwento ng Miss Philippines Earth ang kanyang nararamdaman matapos ang naging resignation ni former Miss Earth Imelda Schweighart bilang opisyal na kinatawan ng Miss Earth Organization.

"Nakakapanibago po kasi I'm just a regular lady na nasa hospital bilang nurse nagtatrabaho. Tapos ngayon marami po nagbago because of the title and responsibilities and marami po nakikilala na mga bagong tao."

Kuwento ni Loren, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin daw siya lubos na makapaniwala dahil ito daw ang unang beses na nagkaroon ng kontrobersya ang Miss Earth Organization.

"Actually nung una palang na pagputok ng balitang nag-resign si Imelda Schweighart, 50-50 po ang unang reaction ko. Gulat ako kasi first time sa history sa Miss Earth Philippines na may nag-resign and first time as well na second runner-up ang ipinalit instead of the first runner-up," kuwento pa ni Loren.

Pag amin pa niya, nakaramdam siya ng malaking panghihinayang na sana siya na lang ang lumaban at nakatanggap ng korona ng gabi ng patimpalak ng Miss Earth Philippines.

"To be honest, may panghihinayang din naman. Of course kasi sino ba naman ang ayaw mag represent ng Philippines sa international pageant knowing na tayo pa (Philippines) to host the pageant? May panghihinayang din ako kasi what if ako yung nanalo at lumaban, but then tinanggap ko kasi sabi nga ng most of my friends and family they believed na it is a destiny na hindi man ako nakoronahan during the pageant, God has its reason kung bakit napunta sakin yung title," sambit pa ni Loren.

Dito nilinaw din ni Loren ang mga iniwan na responsibilidad ni Imelda Schweighart na siya naman ang magtutuloy.

"The roles and responsibility na naiwan ni Imelda ay mapupunta po sa akin which is to be the official Miss Philippines Earth and the campaign for Miss Philippines Earth’s continuing legacy as well as promoting awareness. And to do my own advocacy which is renewable energy."

Kuwento pa ni Loren, hanggang sa ngayon ay hindi pa din daw siya nagkakaroon ng pagkakataon na makausap ang dating kandidata na kanyang pinalitan.

"As of the moment hindi po kasi I'm trying to be careful din na kapag kinausap ko siya baka she might take it the other way around, although ang purpose naman is genuinely to ask how she is doing. Kaya mas minabuti ko na lang na palamigin at matahimik muna ang issue," sabi pa ni Loren.

Bukod sa pagiging beauty queen, bukas din daw ang pintuan ng dalaga kung sakaling may oportunidad sa kanya na makapasok sa mundo ng showbiz

"Kung may magbubukas po na doors why not? Sa showbiz why not din po? Pero kung wala naman, itutuloy ko lang ang passion ko in helping in my own way as a nurse," pagtatapos ni Loren.