• Home
  • Fresh Scoops
  • Jairus Aquino says Sharlene San Pedro is ‘babaeng gini-girlfriend’

Jairus Aquino says Sharlene San Pedro is ‘babaeng gini-girlfriend’

Jairus Aquino reveals meaning of controversial IG posts.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/7/2016 10:18 AM
Jairus Aquino says Sharlene San Pedro is ‘babaeng gini-girlfriend’


120716-Jailene_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, pinaliwanag ni Jairus Aquino ang pinag-uusapang Instagram posts niya. Sa post, magkasama sila sa picure ng love team partner at kaibigan na si Sharlene San Pedro. Sa isang post sinabi niya na “I never thought perfection could fit right into my hands.” Paliwanag ni Jairus na ang ibig sabihin lang ng post ay, “sobrang perfect lang po niya that night.”

Sa isang post naman sinabi nito na “she said yes,” ngunit aniya ang ibig sabihin lang nito ay, “she said ‘yes’ as date sa ball.” Sinabi naman ni Sharlene na yun lang talaga ang ibig sabihin nito.

Nang tanungin si Jairus kung si Sharlene ay babaeng bine-best friend o gini-girlfriend, mabilis ang sagot ni Jairus na “siyempre gini-girlfriend.” Pero ayon kay Sharlene, “pwede naman both.”

Magkasama ang love team sa umaga-serye na Langit Lupa.