• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda on Kris Aquino and Herbert Bautista remaining friends: ‘I pray. I wish. But I doubt’

Boy Abunda on Kris Aquino and Herbert Bautista remaining friends: ‘I pray. I wish. But I doubt’

Kris Aquino and Vice Ganda watch ‘The Super Parental Guardians’ together.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/7/2016 10:15 AM
Boy Abunda on Kris Aquino and Herbert Bautista remaining friends: ‘I pray. I wish. But I doubt’


120716-krisboy_main.jpgSa Tonight with Boy Abunda, ibinalita na magkasabay nanuod ng The Super Parental Guardians ang “mag-asawang” Kris Aquino at Vice Ganda. Hindi diumano natuloy ang unang plano nilang manuod magkasabay ng bagong box office hit ni Vice. Ani Kris, “e kasi nung Wednesday, iba yung inuna kong panuorin kaya sabi ko galit ka sa akin asawa?” Salo naman ni Vice, “kaya siguro inisip niya yun, nung nanunuod siya tinext niya ako ‘if you don't feel like seeing me I will understand.’ (Sabi ko) ano ka ba? Hindi tayo ganun, wala tayong ganun no.”

Konklusyon ni Kris, “madrama lang ako. Yung mga kids talaga si Bimby nangulit sa kanya, sabi niya ‘Tito Vice we’re going to watch your movie.’” Binati rin ng Queen of All Media ang kanyang asawa, “and now we’re all here, the whole family and I just want to congratulate Vice for this enormous success.”

Inamin ni Kris ang pagkamiss niya sa Kapamilya network kung kaya inaway diumano niya si Vice. “Eto kasi inaaway ko nung paakyat, nagpasiklab ka talaga sa akin lahat ng marshalls dala mo. Pinaramdam niya sa akin kung ano yung iniwan ko. Sabi ko ewan ko sa’yo!”

Bagamat magkahiwalay na ng networks ang “mag-asawa,” marami pa naman daw chance na magkasama sila sa mga projects. Ayon kay Kris, “ako feeling ko siya at si Bimb, pwedeng magtrabaho together. O di ba, let’s look forward to that.”

Ani Vice tungkol sa friendship nila ni Kris, “that's love and that's real.”

Hiningan rin ng reaksiyon si Kris sa napapabalitang pagkikita nila kamakailan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ani Kris, “Nahihirapan ako sumagot kasi is that a date? Nagkamustahan kami, yes. I think we are friends. I think we will remain friends for the rest of our lives.”

Nagbigay ng reaksiyon dito ang host at kaibigan ni Kris na si Boy Abunda at ang kanyang makahulugang sagot ay, “I pray. I wish. But I doubt.”