• Home
  • Fresh Scoops
  • What is Vice Ganda’s wish for the MMFF movie entries this year?

What is Vice Ganda’s wish for the MMFF movie entries this year?

The comedian shared he was apprehensive to do a new movie since Wenn Deramas passed away.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/6/2016 2:29 PM
What is Vice Ganda’s wish for the MMFF movie entries this year?


120616-ViceGanda_PUSH.jpgNagpa-dinner si Vice Ganda para magpasalamat sa ilang miyembro ng entertainment press nu’ng Monday night para sa success ng kanyang latest film with Coco Martin na “The Super Parental Guardians” na nagsimulang ipalabas noong Nov. 30.

In less than a week, kumita na ng P250 million ang “The Super Parental Guardians.” Ano ba ang projection niya na kikitain ng pelikula?

 “Nung una kasi, nung sinabing hindi na kami magpi-filmfest, ang sabi namin, mga 300 to 400 (million) happy na kami. Eh, since P250M na tayo ngayon, siguradong ma-achieve na yung P300M.

“Pero sana mag-P700M, di ba? Wala namang masamang mangarap. Ipagdasal natin at i-claim na natin na mag-P700M, wala namang masama do’n. Ipagdasal natin na sana ibigay yon sa atin ng Diyos,” masayang pahayag ni Vice.

Dahil sa success ng SPG, napatunayan ni Vice na kaya pa rin niyang magdala ng pelikula kahit iba ang kanyang director.

Ayon pa sa phenomenal star, nagkaroon talaga siya ng doubt sa sarili nung nawala si Direk Wenn Deramas kaya medyo natakot din siyang gumawa ng pelikula.

“Nabawasan yung confidence ko,” pag-amin pa niya.

“Siyempre, nakakatakot kasi unang-una, bukod kay Direk Wenn at Inang Olive (Lamasan), silang dalawa lang yung nakakausap ko pag gumagawa ng pelikula. Wala na akong ibang director na nakatrabaho sa pelikula kaya panibagong hamon dahil hindi ko alam kung paanong atake yung ibibigay ng director.

“Hindi ko alam kung papayagan niya akong gawin yung mga ginagawa ko dati, gawin yung creative freedom ko na ibinigay sa akin dati ni Direk Wenn. Kung magkakaboses ba ako doon sa pelikula at kung magiging panatag ako sa pelikula,” paliwanag niya.

Patuloy ni Vice, “Ang dami-dami kong tanong kaya natakot ako talaga dahil hindi ko alam kung anong mangyayari do’n sa bago kong tandem with my new director. Pero nung nagtrabaho na kami ni Direk Joyce (Bernal), sobrang ang ganda.

“Ang smooth lahat ng nangyari since day one hanggang sa natapos hanggang ngayon. Hindi kami nagkaproblema, sobrang positive kaya ang saya.

“Ang bait lang ng Diyos sa akin. Yon lang naman ang worry ko, eh, nung nawala si Direk Wenn yung paano kaya yung pelikula ko. Pero ang suwerte ko dahil hindi ako pinabayaan ng management ko. Hindi ako pinabayaan ng network.

“Talagang ibinigay nila sa akin kung ano ang kailangan ko. Binigyan nila ako ng isang Binibining Joyce Bernal dahil naniniwala sila na malaki ang maitutulong sa akin ni Joyce Bernal at magandang proyekto yung maibibigay sa akin kasama si Direk Joyce,” say pa niya.

Samantala, ano ang masasabi niya na talagang malaking blessing in disguise na hindi napasama sa MMFF ang pelikula niya and yet kumita pa ito nang malaki sa box-office.

“Sa kalagitnaan ng tagumpay na ito, ayoko namang mag-maasim pa. Wala nang dahilan para umasim at magyabang ka pa, ngumiti na lang tayo,” kaswal niyang pahayag.

Eh, anong wish niya sa mga pelikulang napili sa 2016 MMFF?

 “Lahat naman kasi ng pelikulang ginawa ay pinaghihirapan, di ba? Kaya nga nakaka-offend din pag sinasabi na yung pelikula ay basura. Nakaka-offend kasi puwede nating sabihin na hindi natin gusto yung pelikula o hindi ka nag-enjoy, hindi natin nagustuhan.

“Pero yung sasabihin natin na yung isang pelikula ay basura, nakaka-offend yon kasi ang daming tao ang nagtatrabaho diyan. Ang daming tao ang nagpuyat diyan at hindi nakauwi sa pamilya nila para matapos ang mga pelikula na yan.

“Kaya ang wish ko, sana magtagumpay din sila. Mas maganda naman yung lahat tayo magtagumpay kasi yon naman yung hinahangand nating lahat kaya tayo nagtrabaho para magtagumpay tayo. At sa laki ng  tagumpay na binigay sa akin ng Diyos ayoko namang ipagkait sa ibang tao yon. Sana lahat magtagumpay kasi naghirap tayong lahat diyan,” pagtatapos ni Vice.