• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Dizon says her slimmer physique is not because of her separation

Sunshine Dizon says her slimmer physique is not because of her separation

Sunshine Dizon explains that losing weight is part of being a celebrity.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/6/2016 10:00 AM
Sunshine Dizon says her slimmer physique is not because of her separation


120616-SunshineDizon_PUSH.jpgAng laki na ng ipinayat ngayon ni Sunshine Dizon. Pero nilinaw niya sa interview na hindi raw ang hiwalayan nilang dating asawang si Timothy Tan ang dahilan ng kanyang pagpayat.

Pahayag ni Sunshine, “Actually, maayos naman po kami ng asawa ko when we closed the deal for Belo endorsement.

So, nagkataon lang talaga lahat. And you know, hindi ko naman po kailangan ding sabihin to everyone ang dahilan kung bakit ako pumayat. But because some people are thinking na ‘hindi, kaya ‘yan pumayat kasi ininiwan ng asawa or may nangyari sa buhay niya.’  No that’s not it. Hindi po ganu’n,” paglilinaw ng aktres.

Dagdag pa niya, bilang artista ay kailangan din daw niyang alagaan ang kanyang sarili para mas maging maayos ang itsura niya.

It was a conscious effort and decision to actually… you know, it’s really time already to look my best. It’s part of the job, di ba? You have to be your best,” katwiran niya.

Wala rin daw dapat ipag-aala sa kanya ang supporters niya dahil pagkatapos ng separation nila ng estranged husband ay okey naman siya. Pinalalakas daw siya ng mga kaibigan, pamilya at ng kanyang dalawang anak.

I’m very good. I have a very good support system. Ako naman, as long as my kids are happy and okay, I’m okay,” pahayag pa niya.

Sa tanong kung meron na ba siyang bagong manliligaw, natawa lang si Sunshine.

“I will not entertain anything of that sort because technically, I’m still married. Yun pa rin po ang pinaglalaban ko, kasal ako,” pagtatapos niya.