Nora Aunor reacts to new MMFF choices

Nora Aunor lauds the choice of quality movies in this year’s MMFF.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/6/2016 10:02 AM
Nora Aunor reacts to new MMFF choices


120616-NoraAunor_PUSH.jpgGanado at nakiisa si Superstar Nora Aunor sa kick-off ceremonies ng 2016 Metro Manila Film Festival. Bida si Nora sa pelikulang Kabisera na para sa award-winning actress ay pelikulang makabuluhan at comeback movie niya sa MMFF

"Excited ako at medyo matagal na tayo walang pelikula sa MMFF kaya natutuwa ako at nandito ako. Ito ay hango sa totoong buhay na nangyari sa Batangas. Maraming trahedya na nangyari."

Bukod sa Kabisera, recommended din ni Ate Guy na panoorin ang lahat ng entries sa 2016 MMFF dahil ito ang pagbabalik ng quality Tagalog movies sa mga sinehan.

"Dapat lang talagang i-promote ang mga pelikulang kasali ngayong taon sa MMFF dahil sila lang ang nagkalakas loob na piliin ang mga pelikulang may kalidad."

May reaksyon din si Nora sa mga bumabato na ‘di papasukin ng manonood ang mga MMFF entries ngayong taon dahil iba ang timpla nito kumpara sa nakasanayang pista ng pelikula tuwing Pasko.

"Alam mo hindi natin maiaalis yun sa kanila kasi sa mga nagdaang taon puro ganun na lang ang napapanood sa MMFF. Nararapat lang na piliin ang mga pelikulang kasali lalo na ang mga nagbibigay aral sa kabataan lalo na."

Mapapanood ang walong entries ng MMFF simula December 25.