Karla Estrada shares positive attitude during hard times

Daniel Padilla shares an important lesson learned from his Mom Karla Estrada.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/6/2016 5:45 PM
Karla Estrada shares positive attitude during hard times


120616-KarlaEstrada_PUSH.jpgSa TV Patrol, siksik diumano ng blessings ang 2016 para kay Queen Mother Karla Estrada at sa anak nitong si Daniel Padilla. Binalikan din niya ang panahong salat siya. Kaya naman para kay Karla, higit sa lahat, ang diwa ng pasko ay giving back.

“Nung minsan nagmamaneho ako, may nakita akong mama na nakaupo sa gutter, sabi ko eto Kuya, hindi ko alam  kung para saan tong limang daan pero tanggapin mo. Alam mo yun kasi ganun ako dati e, minsan wala akong pamasahe ‘di ako makauwi. Minsan nasa kalsada pa ko iniisip ko kung kumain na ba yung mga anak ko wala kasi akong nakuhang delihensiya.”

Maraming beses na ring muntik sumuko si Karla pero nanatiling positibo ang kanyang attitude sa buhay. “Kahit anong pagsubok ganito ka lang, Lord I’m so excited sa kapalit nito. Sasabihin mo lang hindi, hindi ako pinanganak para magdusa.”

Maraming charity works si Karla at proud dito si Daniel. “Yun yung mga bagay na tinuturo sa akin ng ermat ko e. Talagang ‘pag magbibigay ka magbigay ka ng buong puso.”