“Nung minsan nagmamaneho ako, may nakita akong mama na nakaupo sa gutter, sabi ko eto Kuya, hindi ko alam kung para saan tong limang daan pero tanggapin mo. Alam mo yun kasi ganun ako dati e, minsan wala akong pamasahe ‘di ako makauwi. Minsan nasa kalsada pa ko iniisip ko kung kumain na ba yung mga anak ko wala kasi akong nakuhang delihensiya.”
Maraming beses na ring muntik sumuko si Karla pero nanatiling positibo ang kanyang attitude sa buhay. “Kahit anong pagsubok ganito ka lang, Lord I’m so excited sa kapalit nito. Sasabihin mo lang hindi, hindi ako pinanganak para magdusa.”
Maraming charity works si Karla at proud dito si Daniel. “Yun yung mga bagay na tinuturo sa akin ng ermat ko e. Talagang ‘pag magbibigay ka magbigay ka ng buong puso.”