• Home
  • Fresh Scoops
  • Irma Adlawan admits this is the first time in 54 years she won’t be with her parents for Christmas

Irma Adlawan admits this is the first time in 54 years she won’t be with her parents for Christmas

Irma Adlawan: ‘First time ko po magpasko ng malayo sa mga magulang ko’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/6/2016 9:58 AM
Irma Adlawan admits this is the first time in 54 years she won’t be with her parents for Christmas


120616-IrmaAdlawan_PUSH.jpgHindi pa rin makapaniwala ang character actress na si Irma Adlawan sa pagkakabilang ng kanyang pelikulang Oro sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Irma, ito ang unang pagkakataon na magiging abala siya sa darating na kapaskuhan at unang beses na mawawalay sa kanyang mga magulang ngayon sasapit na Pasko.

"First time ko pong mawawalay sa mga magulang ko ngayong pasko at my age na 54, magpapasko po ako sa Bicol dahil magkakaroon po kami ng premiere mismo sa Naga kung saan kasama po namin ang mga tao na taga Gagatan dahil talagang para sa kanila ang pelikulang ito.”

Masaya man para sa karangalan ng kanilang pelikula ng makapasok ito sa film fest, umaasa pa rin si Irma na makakakuha sila ng suporta sa kabila ng mga pagbatikos sa mga pagbabago sa taunang film fest. 

"Huwag na po muna tayo maging negatibo sa mga pagbabago. Try po muna natin then pagkatapos natin makita tsaka tayo mag kumento. Pero yung mag-uumpisa palang sana, wag muna natin husgahan. Magtulong-tulong tayo marami pang MMFF na darating at mabibigyan ang lahat ng pagkakataon," sambit pa ni Irma.

Aniya, magandang challenge pa ang mga pagbabagong ito para sa mga susunod na balak sumali sa Metro Manila Film Festival.

"Consider it as a challenge for everybody in the industry and film makers to create and uplift the Filipino film industry," pagtatapos na kuwento ni Irma.