Julia Montes wants to work with Coco Martin again

Julia also reacts on being called “Daytime Drama Queen.”

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

12/5/2016 12:33 AM
Julia Montes wants to work with Coco Martin again


120516-JuliaCoco_PUSH.jpgRest day ni Julia Montes kahapon, Sunday kaya pinasya naming kumustahin ito over the phone. May mga ilang issues lang kaming gustong malaman mula sa bagong Daytime Drama Queen.

Yes, siya na ng tinaguriang Daytime Drama Queen base sa track record ng kanyang hit teleseryeng “Doble Kara” na mahigit isang taon na sa ere.

When asked about the title na ibinigay sa kanya ngayon, "Nakakagulat po. Hindi ko in-expect. Kasi nung Trade Event, nagulat ako sa VTR na ipinalabas.

Sabi ko, 'Ano ba yun?".

"Nagulat ako sa yun ang tinatawag ng fans, ng ABS, pati sa plug. Sobrang nakaka flatter lang po. Di ko naman in expect at 21 (years old), ibibigay sa akin yung title na yon. Nakakataba po ng puso" sabi ng mahusay na aktres.

Base sa record, 6 na katapat na shows sa GMA na ang 'itinumba" ng serye niyang “Doble Kara.” Pero ang kanyang serye ay nananatiling number one sa hapon.

"Hindi po kasi ako aware mga katapat o mga nakatapat naming shows. Masaya lang po, kasi tuluy tuloy lang. Andyan pa din ang support ng fans at ng network," reaksyon ni Julia.

Inusisa namin si Julia sa Instagram post niya na first day pa ng “The Super Parental Guardians” nina Coco Martin at Vice Ganda ay pinanood na niya ito.

"Holiday po kasi nun," mabilis na reaksyon ni Julia. "Isa pa, wala kaming taping ng ‘Doble Kara.’ Kaya nagkayaan, ayun, watch na kami ng family ko."

"Sobrang nakakatawa ang movie. Though given naman na yun, pag nagsama sila ni Vice, talagang nakakatawa.

"Happy nga po ako kasi successful yung movie," sabi ni Julia.

Habang kausap namin si Julia, ibinalita namin na in 4 days ng TSPG ay naka P150 million na ito sa box office.

"Grabe!!! Nakakatuwa! Congrats sa kanila ni Vice," reaksyon nito.

Hiningan na rin namin ng rekasyon si Julia sa pahayag ni Coco na kung magkakaroon ito ng pagkakataon na makatrabaho ang 3 female stars, sino ang gusto nitong makatrabaho. Sina Angel Locsin at Liza Soberano ang binanggit nito. At siyempre si Julia.

Ano nga ba ang rekasyon ni Julia na consistent si Coco sa pagsasabi na gusto nitong makatrabaho siya.

"Kumportable lang siguro talaga siya sa akin. Medyo marami-rami na din kasi kaming nagawa, may movie, may teleserye. Siyempre nakaka-flatter. Gusto ko din po siyang makatrabaho ulit," sabi ni Julia.

We asked Julia na if ever makakatrabaho niyang muli si Coco, ano'ng klaseng movie o teleserye ba ito?

"Gusto ko po action, as in all out action, siyempre action drama po! Yun po kasi ang hindi ko pa talaga nagagawa ako. Sana sana, matupad.

"Si Coco po kasi, hands on siya sa mga projects niya. Wish ko lang naman. Depende pa din kay Coco yan," pahayag ng Daytime Drama Queen.