• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca collaborates with Kiana Valenciano for a music video

Jake Cuenca collaborates with Kiana Valenciano for a music video

Jake Cuenca praises Kiana Valenciano’s acting and questions why she hasn’t joined actress yet.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2016 8:46 AM
Jake Cuenca collaborates with Kiana Valenciano for a music video


120416-JakeKiana_PUSH.jpgNakipagsabayan ng husay sa pag-arte ni Jake Cuenca ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana Valenciano para sa first music video ng single nito na “Circles.”

Sweet at may pagka-intense na mga eksena sa video na umpisang mapapanuod sa December 6.

Kuwento ni Kiana, personal choice niya si Jake dahil sa matagal na silang magkaibigan. Naging advantage din daw ito para sa kanila na maging madali ang bawat maiinit na eksena.

"I think personally nagamit yung friendship kasi may mga scenes na kunwari sweet kami nag kukuwentuhan lang kami like catching up," kuwento ni Kiana

Para naman kay Jake, bilib siya sa husay ng kaibigan kung kaya siya mismo ang nagtataka kung bakit hindi ito pumasok sa showbiz bilang isang aktres.

"She’s good. Ang tanong ko nga bakit hindi pa siya nag aartista. I'm sure tinanong na siya ng kapamilya kung gusto niya kasi she's very natural sa mga eksena namin and hindi siya nagulat on me sa mga sweet scenes," sabi pa ni Jake.

Aminado naman si Kiana na hindi pa siya gaano kumportable na umarte kung kaya masaya siya na may natatanggap siyang papuri na mula pa sa mga kaibigan.

"We grew up singing, I grew up dancing but acting is something I was introduced to and I'm very thankful that someone like a Jake Cuenca recognized it."

Bukod sa mga mapapanuod sa music video, hands on din si Kiana sa pagbuo at pagproseso nito kung saan kasama niya ang kaibigan din na direktor na si Mike Carandang. 

"At the start ang gusto ko lang makita yung extremely good and bad side of the relationship and then I'm so happy he (Mike) formed a good concept na never ko pa na-imagine."

Dahil intense at sexy-inspired ang concept ng music video, naitanong din kay Jake kung may part ba dito na mag papakita siya ng kanyang sexy na katawan.

"More than the pa-sexy, makikita nila dito yung drama highlight of the video makikita nila yung full spectrum ng intense relationship," pagtatapos na kuwento ni Jake.