• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina reveals she's very much happy for Sunshine Cruz’ second chance at love

Ara Mina reveals she's very much happy for Sunshine Cruz’ second chance at love

Ara says she only wishes her friend Sunshine and brother Macky happiness.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/5/2016 12:24 AM
Ara Mina reveals she's very much happy for Sunshine Cruz’ second chance at love


120516-AraSunshine_PUSH.jpgMasayang masaya ang aktres na si Ara Mina para sa kaibigang si Sunshine Cruz dahil makulay at maligaya ang buhay pag-ibig nito ngayon sa kapatid ni Ara na si Macky Mathay.

Matatandaan na naging maugong sa social media ang pag di-date nina Sunshine at Macky, na hindi rin naitatanggi ng dalawa sa kalaunan.

READ: Sunshine Cruz opens up about relationship with Macky Mathay

Sa panayam na ito kay Ara sa pag bubukas ng bagong clinic ng celebrity chiropractor na si Rob Walcher, nagkuwento si Ara kung pano nag umpisa ang pagkakamabutihan ng kanyang kapatid at ng kanyang kaibigan.

"Matagal ng crush ng brother ko si Sunshine, and that time naglakas loob siya na magpakilala kay Shine without telling me and without asking me na ipakilala mo ako, so sa mga nag iisip na ako ang nagpakilala sa kanila, hindi po ako dahil nagkusa po ang brother ko, kasi hindi ba, yung iba yun ang i-assume kasi Sunshine and I are friends," pagpapaliwanag ni Ara.

Kuwento pa ni Ara walang problema sakanya na naging mag ka-relasyon ang kanyang kapatid at ang kanyang kaibigan at hanggad lang niya na magmahalan ang mga ito.

"Well siyempre sa mata ng mga tao hindi maganda kasi parehas silang may asawa, but they're both separated, Matagal ng hiwalay si Macky , wala naman din tayong magagawa kung nagkakagustuhan sila," saad ni Ara.

Dahil usapang pag-ibig ang naging tema ng kuwentuhan, naitanong na din kay Ara kung kamusta na ba ang kanyang relasyon sa ama ng kanyang anak na si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Okay naman nagkikita kami once a week, twice a week, kapag hindi ako pwede siya nagdadala kay Mandy for check-up tapos single pa din naman siya," sabi ni Ara.

Sabi pa ng aktres hanggad din niya ang kaligayahan para sa kanilang dalawang pero sa ngayon mas mabuti na maging magkaibigan muna silang dalawang para sa kanilang anak.

READ: Ara Mina admits she has accepted she and Patrick Meneses are just friends now

"Hindi ko alam, Hindi naman na din mawawala na he's the father of my daughter pero as of now mas mabuti kami na magkaibigan," pagtatapos na kuwento ni Ara.