2016 MMFF kicks off with meet and greet event

Stars of 2016 MMFF films give reactions to this year’s competition.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/4/2016 8:47 AM
2016 MMFF kicks off with meet and greet event


120416-MMFF_PUSH.jpgNaganap kahapon, December 3, ang grand kick-off ng 2016 Metro Manila Film Festival sa Skydome ng SM North EDSA. Kinabilangan ito ng lead stars ng walong pelikulang lalahok sa MMFF ngayong taon.

Una atin nakausap ang Superstar na si Nora Aunor na bida sa pelikulang Kabisera. Natutuwa si Ate Guy dahil nagkaroon ng lugar ang makabuluhang pelikula ngayong taon sa MMFF.

"Dapat naman talaga na mga ganitong klase ng mga pelikula ang nabibigyang daan sa mga pista ng pelikula gaya ng MMFF. Medyo nasanay na kasi tayo sa iisang timpla ng mga pelikula sa loob ng matagal na panahon kaya nakakatuwa at nagkaroon ng pagbabago."

Si Irma Adlawan naman na lead actress ng pelikulang Oro, nahihiya sa usap-usapan na sila ni Ate Guy ang maglalaban sa Best Actress award ngayong taon. Ito rin ang unang lead role ni Irma sa isang MMFF movie.

"Ngayon lang ako mahihiwalay sa mga magulang ko sa araw ng Pasko, magpi-premiere showing kasi sa Naga ang pelikula namin sa araw ng Pasko at kailangan sumuporta ako."

Mainit na sigawan at palakpak naman ang isinalubong sa cast ng Vince & Kath & James ng Star Cinema Productions at proud si Ronnie Alonte sa dalawa niyang pelikulang lahok. "Magkaiba po ang roles ko sa dalawang pelikula at sana magustuhan nila."

Inaasahan na susuporta ang moviegoers sa bagong bihis na MMFF ngayong taon na magsisimula sa December 25.