PUSH Year Ender: Who were the big winners of 2016?

Push lists down who made it big in the world of entertainment in 2016.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/31/2016 10:00 AM
PUSH Year Ender: Who were the big winners of 2016?


010117-YearEnder_PUSH.jpgSa taong 2016, iilang pelikula, personalidad at TV shows ang naging matagumpay at nakakamit ng karangalan para sa kanilang sarili at sa buong bayan.

Sa Telebisyon

Tinutukan ang remake ng top rating teleseryeng Pangako Sa’Yo na napanood ang ending noong February 12, 2016. Ang teleserye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nag-angat ng kanilang estado bilang teen idols papuntang seryosong mga artista.

Hindi naman magpapahuli ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang kilig show na Dolce Amore na nagtapos noong August 26 at nagtala ng mataas na rating na 37.7 percent.

Hanggang ngayon ay sinusubaybayan ang maaksyon na FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin. Ayaw paawat naman sa maaksyong mga eksena ng palabas na nagtala ng mataas na ratings na 46.7 percent noong February 2, 2016

Sa Pelikula

Panalo pa rin sa takilya ang tandem nila Coco Martin at Vice Ganda sa The Super Parental Guardians. Hindi man pinalad na makapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival, tumabo naman ng 300 million pesos sa takilya ang pelikula as of December 8, 2016 na tumataas pa dahil palabas pa rin ito sa mga sinehan.

Pinatunayan din ng pelikulang The Unmarried Wife na malakas pa rin ang pelikulang romance drama sa mga sinehan dahil nagtala ito ng 170 million pesos sa box office as of November 27.

Umani naman ng papuri at parangal ang pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz na nasungkit ang Silver Bear Alfred Bauer Award Sa 66th Berlin International Film Festival. Ang pelikula na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual ay may running time na 485 minutes at ipinalabas sa Pilipinas noong March 26, 2016.

Ganito rin ang papuring natanggap ng pelikulang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz na nakuha ang Golden Lion Award Sa 73rd Venice International Film Festival na siya ring pagbabalik sa pag-arte ng ABS-CBN Executive at award-winning Actress na si Charo Santos.

Nagwagi din bilang Best Actress si Ms Jaclyn Jose sa prestisyosong Cannes International Film Festival noong Mayo sa kanyang pag ganap sa pelikula ni Brillante Mendoza na Ma’ Rosa.

Sa Teatro

Muling nagbalik ang stage musical na Rak Of Aegis na napanood mula June 17 hanggang August 28, 2016 sa PETA Theater sa Quezon City. Ang original Filipino musical ay naglalaman ng mga hit na kanta ng Aegis band.

Nagbalik din sa local stage ang kapamilya broadway diva na si Lea Salonga sa Tony award-winning musical na Fun Home na napanood mula November 10 hanggang 27 sa RCBC theater sa Makati. Kasama dito sina Cris Villongco at Eric Kunze. Magbabalik ang Philippine production ng Fun Home sa 2017 dahil sa malakas na demand na muli mapanood ang palabas.

Sa international beauty pageants

Pinakamalaking titulo at korona ang nakuha ni Kylie Verzosa bilang 2016 Miss International na naganap noong October 27 sa Tokyo, Japan. Tinalo ni Kylie ang 69 candidates at naging pang-anim siya na Miss International mula sa Pilipinas.