• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros gives MMFF 2016 best actor acceptance message

Paolo Ballesteros gives MMFF 2016 best actor acceptance message

While he was unable to attend the awards night, Paolo Ballesteros makes his acceptance speech online.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/31/2016 10:31 AM
Paolo Ballesteros gives MMFF 2016 best actor acceptance message


123116-PaoloBallesteros_PUSH.jpgIsa sa mga humahataw at pinag-usapang pelikula ngayong Metro Manila Film Fest 2016 ay ang pinagbibidahang pelikula ni Paolo Ballesteros na Die Beautiful.

Angat ang angking galing ni Paolo sa pag-arte at pag-ganap bilang si Trisha Echevarria kung saan ginagaya niya ang mga Hollywood stars sa pamamagitan ng makeup na hinangaan maging ng ibang lahi.

Kung kaya wagi at humakot din ito ng mga papuri sa naganap na Gabi ng Parangal ng MMFF kung saan itinanghal si Paolo bilang Best Actor para sa kanyang pelikula.

Ngunit hindi pinalad na makarating ang aktor dahil sa pagod kung kaya tanging ang direktor nitong si Jun Lana na lamang ang tumanggap ng award para sa aktor.

Sa kanyang acceptance speech na kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang Facebook post, highlight ang pasasalamat ng aktor sa LGBT community na nagsilbing inspirasyon ng kanyang pelikula.

Hindi man niya nasabi sa mismong awards night, ito na ang acceptance speech ng Best Actor:

"Winning 2 acting awards internationally is quite overwhelming. But being recognized as the Best Actor in your own country gives a different kind of joy. To the MMFF, maraming salamat and congratulations for a very successful festival. It is only the beginning and we will continue making movies that will be competent both locally and internationally.

“To the whole team of Die Beautiful, Regal, I will forever thank you. Direk Jun, thank you for trusting me as Trisha. To my Family, Friends, Fans, my Dabarkads, thank you for always supporting. To the LGBT community, let this movie be an inspiration to everyone. And to all those who watched, and voted for us, thank you!

“Direk!!! Awards pa more! Festivals pa more! Let’s go for Oscars! Mabuhay Philippines!”

- Paolo Ballesteros

Bukod sa Best Actor, hinakot din ng Die Beautiful ang mga parangal gaya ng Best float at People's Choice at Best Supporting actor para kay Christian Bables.