• Home
  • Fresh Scoops
  • MMFF Spokesperson Noel Ferrer gives achievements of 2016 Film Fest

MMFF Spokesperson Noel Ferrer gives achievements of 2016 Film Fest

Sari-saring mga reaction ang nakuha sa publiko lalo na sa social media sa bagong Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa kakaibang choices sa walong napiling entries at pamamalakad dito.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/30/2016 1:08 PM
MMFF Spokesperson Noel Ferrer gives achievements of 2016 Film Fest


123016-Noel_POTD.jpg

Ano nga ba ang indie at ano ang mainstream na pelikula? Sari-saring mga reaction ang nakuha sa publiko lalo na sa social media sa bagong Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa kakaibang choices sa walong napiling entries at pamamalakad dito.

Sa kanyang social media account, nagbigay ng mahabang insight ang MMFF spokesperson na si Noel Ferrer sa mga natutunan natin ngayong taon sa annual festival.

"HINDI MAPAPANTAYAN NG PERA ang palakpak at paghanga pagkatapos panoorin ang mga pelikula [sic]," pagdiriin ng miyembro ng MMFF Execom.

Basahin sa kabuuan ang post ni Noel Ferrer:

WE ARE JUST SO THANKFUL. Sabi nu'ng una, 1) hindi dapat finished film ang isubmit sa Festival - ok na raw ang script. Ngayon naipakita na mas mainam na finished film ang entry - dahil naiiba ang script kapag ginagawa na ang pelikula. 2) Sabi noon, hindi pamPasko ang indie. Pero hindi na natin dapat paghiwalayin ang indie at mainstream dahil ang pelikula ay pelikula; at ang pamantayan ng kalidad ay iisa lang naman ke indie o mainstream. 3) Alisin na raw ang parada dahil matamlay daw ngayon at baka hindi tauhin. Napatunayan natin na sabik ang mga tao sa parada ng mga artista. Gusto nilang masilayan ang mga lahok sa festival at marunong silang magpahalaga ng maganda at pinaghirapang float. 4) Hindi raw aabot sa target na kinita noong nakaraang taon ang kita ng festival mgayon. Bakit naman tayo gagawa ng target na nakabase pa rin sa luma at dati? Marami na nga tayong binago. Kaya ang target natin ngayon - kumita ang mas maraming pelikulang lahok sa festival. Kung noon, pelikula lang nina Vice at Vic ang kumikita, ngayon may bagong players/producers/artista na kumikita. Dahil maliit lang ang budget nitong official entries, na democratize na natin ang booking at distribution system. YUN LANG, SAPAT NA! Wag nang gamiting excuse ang beneficiaries dahil kahit sila handa at niyakap ang mga pagbabago. TAYO, KAILAN NATIN LUBUSANG PAHAHALAGAHAN AT KIKILALANIN NA MAGANDA ANG NAGING PAGBABAGO--HINDI LAHAT NASUSUKAT SA PERA O BOX OFFICE RETURNS. Hindi mapapantayan ang pagtutulungan ng lahat simula pa sa OMNIBUS trailer, kick off program, promo sa radyo, tv at mallshows, ang consultation at suportahan hanggang sa presscon at Christmas party. Napakagandang tingnan na lahat nagtutulungan hanggang sa huli.HINDI MAPAPANTAYAN NG PERA ang palakpak at paghanga pagkatapos panoorin ang mga pelikula. Matagal na tayong hindi nakakaranas ng ganitong feeling kapag nanonood ng lokal na pelikula. Nakakataba ng puso na ang dating hindi nanonood ng sine kapag MMFF, gumagastos at sumusuporta - hindi lang isa kundi mas marami o kung kaya, lahat ng mga pelikula. Sa mga nagmovie marathon, may mga ranking at fearless forecasts pa silang sinusulat.IBA! KAKAIBA ANG EXCITEMENT NGAYON!!!

A photo posted by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on