Irma Adlawan praises MMFF Executive Committee for changes

Irma Adlawan hopes the next MMFF will continue with changes.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2016 10:31 AM
Irma Adlawan praises MMFF Executive Committee for changes


123016-IrmaAdlawan_PUSH.jpgMasayang-masaya ang Metro Manila Film Fest Best Actress na si Irma Adlawan para sa kanyang nakuhang parangal para sa pelikulang Oro.

Nakatunggali ng character actress ang mabibigat na pangalan sa industriya gaya ni Eugene Domingo at ang Superstar na si Nora Aunor na nauna ng naging matunog na kanyang makakalaban.

Sa kanyang naging acceptance speech, pinuri ng aktres ang ipinakitang katapangan ng Executive Committee at Jury ng kasalukuyang MMFF para sa naging mapangahas na hakbang.

"Sana po at lumawig pa ang inyong tribo at dumami pa kayo, dahil po sa tapang ninyo nagkaroon ng pagbabago."

Inalay din niya ang kanyang nakuhang parangal sa tunay na Kapitana na nakipaglaban para sa kanyang mga ka-baryo na kanyang pinaakyat sa entablado.

Samantala sa panayam naman na ito ng Push.com sa bagong Best Actress, nagpasalamat siya sa buong produksyon ng Oro na aniya ay isang pamilya na ng siya ay mapabilang.

"The Lord above, nothing is impossible without Him and of course, my Oro family because they're the ones who really helped me out because ako yung outsider na pumasok e nandon na sila e family na sila so ako lang yung pumasok but they never let me feel that I am an outsider," saad ng aktres.

Aniya magtuloy-tuloy sana ang naging pagbabagong hakbang na ito ng MMFF.

"Yan ang dapat natin ipagpatuloy, dapat ang susunod nating exe-com ay kasing tapang ng mga executive committee na nandito ngayon."

Pinuri din ni Irma ang mga nakatunggali sa parangal at hiniling din niya na sana ay ‘wag nang gawan ng kontrobersya ang naging desisyon ng Executive Committee.

"’Wag na po sana gawing issue yun. Ang mga ganitong (awards) ay always subjective, it's a taste of the seven jury members, so hindi po ibig sabihin nito na ako ang nanalo at hindi na magagaling ang mga kalaban ko it's just that yung taste nila at that moment ay ako," pagtatapos na kuwento nito.