• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo says she felt like Kristine Hermosa while working with Jericho Rosales

Eugene Domingo says she felt like Kristine Hermosa while working with Jericho Rosales

Eugene Domingo talks about working with Jericho Rosales in ‘Ang Babae sa Septic Tank 2’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2016 10:05 AM
Eugene Domingo says she felt like Kristine Hermosa while working with Jericho Rosales


123016-EugeneDomingp_PUSH.jpgAll smiles ang komedyante na si Eugene Domingo ng mapag-usapan ang pakikipagtrabaho nito sa kapamilya hunk na si Jericho Rosales sa unang pagkakataon.

Isa si Jericho sa mga leading men ni Uge sa 2016 Metro Manila Film Fest entry na Ang Babae sa Septic Tank 2 na humahataw ngayon sa takilya bilang isa sa apat na pelikulang may mataas ang kinita sa film fest.

Kuwento ni Eugene, habang ginagawa nila ang pelikula at pakiramdam niya ay siya si Kristine Hermosa dahil sa naging rapport nila ni Echo.

"Hindi ko inakala na pati ako kinilig, I mean hindi naman ako kasing ganda ng mga naging leading ladies niya lalo na sa Pangako Sa'Yo na si Kristine Hermosa, pero ng maging leading man ko siya feeling ko si Kristine Hermosa na ako. Meron siyang ibang kakayahan para maramdaman ng babae na ikaw ang pinakamagandang babae, at least sa mga moment namin sa movie naramdaman ko yun kaya thank you kay Jericho," panimula ng komedyana.

Sabi pa ni Uge, game na game din si Echo sa lahat ng kanilang naging eksena.

"Ang cute niya. Nakakatawa siya. Hindi siya madamot at hindi nawawala ang charm niya. Alam mo up to this day I still believe si Jericho lang ang nakakadala ng pelikulang kilig na kilig ka Kahit na sino ang tanungin ko," sabi pa nito.

"All out game na game very generous and very masarap na leading man," pabirong pagtatapos ni Eugene.