• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano reveals story behind ‘Pasko Na Sinta Ko’

Gary Valenciano reveals story behind ‘Pasko Na Sinta Ko’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/3/2016 9:36 AM
Gary Valenciano reveals story behind ‘Pasko Na Sinta Ko’


120316-GaryV_push.jpgSa album launch ng GV on Primetime na latest mula kay Gary Valenciano, napa senti ang lahat ng kantahin ni Gary ang classic OPM christmas song na “Pasko Na Sinta Ko.” Tatlong dekada na ang kanta at nagbigay si Mr. Pure Energy ng trivia tungkol sa sikat na awitin.

"Mahilig ang mga Pilipino sa makabagbag damdaming kanta eh kaya pansinin mo yung kanta ko noong 1980s pa sa dulo lang tumataas ang boses ko kasi we want to keep it solemn."

Wala pang social media noon at radio lang at TV ang venue para makilala at marinig ang mga kanta ni Gary noon. Hanggang ngayon na panahon na ng social media, nakatawid ang kanyang kanta na may simpleng mensahe.

"Nung una siyang lumabas, grabe ang impact kasi eh. At that time, radio is the number one thing. Lagi tinutugtog sa radio November pa lang. Ngayon September pa lang maririnig mo na."

Dagdag pa ni Gary, hindi niya pinapalitan ang tunog ng “Pasko Na Sinta Ko” dahil ang ka simplehan at mensahe ang dahilan kung bakit wala itong kupas.

"Kaya hindi ko binabago yan eh sa performances ko. Even the minus one I use yun pang ginamit ko noong 80s kasi best as original as possible," pagtatapos ng singer.