• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nikko Natividad happy that he has more fans even after admitting he’s already a father

EXCLUSIVE: Nikko Natividad happy that he has more fans even after admitting he’s already a father

Nikko Natividad says that people even send his son gifts.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/3/2016 9:39 AM
EXCLUSIVE: Nikko Natividad happy that he has more fans even after admitting he’s already a father


120316-NikkoN_push.jpgMula sa 2,500 followers, ibinalita ni Hashtag Nikko Natividad na umabot na sa more than 500,000 ang followers niya sa kanyang Instagram account.

“Nagulat din po ako talaga. Ganun na po pala talaga karami yung nakakakilala sa akin at sumusuporta at patuloy pa siyang nadagdagdagan,” masaya niyang balita sa Push.com.ph.

“Akala ko kasi nung inamin ko na may anak ako mababawasan. Pero hindi eh. Mas marami ng bumabati sa akin, hindi lang bata ang bumabati sa akin, may mga nanay, tatay, may edad na nakikita ko sa mall. ‘Oh, kumusta na yung baby mo, kumusta ka na?’ Nakakatuwa lang,” dagdag pa niya.

Masaya na rin daw niyang nailalabas at naipapasyal ngayon si Baby Aiden na one year and seven months na ngayon.

“Every time na makikita ako ng mga tao, kilala siya sa pangalan, eh. ‘Nasaan na si Baby Aiden?’ Tapos marami ding nagbibigay sa akin ng regalo kahit sa ibang bansa, pinapadala sa bahay namin para sa bata. O minsan pinapaabot sa Showtime, mga damit pambata galing Spain.

“Hindi na nga ako nabibigyan, dati nabibigyan pa ako, pero ngayon sa anak ko na, pero masaya ako,” pabiro niyang pahayag.

Ayon pa kay Nikko, mas naipapakita na niya ngayon sa anak ang pagiging tatay niya.

“Kasi dati, alam mo naman di ba, itinatago ko siya kasi nga para sa career. Pero nu’ng inamin ko sa PBB lahat, gumaan lahat ng bagay. Hindi na ako nagtatago kapag gusto ko siyang ilabas. Kumbaga, mas napapakita ko na sa kanya yung pagiging tatay ko at pag-aalaga sa kanya,” sey pa niya.

Nakikita rin ba niya ang sarili sa anak kahit sa murang edad pa lang nito ngayon.

“Oo. Maharot siya. Sumasayaw din. Tapos tinuturuan ko ding umarte-arte, madali rin kasi isyang maka-pick-up, eh. Pero kung anong gusto niyang gawin susuporta lang ako sa kanya,” he said.

photo courtesy of Nikko Natividad
Photo courtesy of Nikko Natividad