• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna explains the reason why she passed out during a sexy photo shoot

Ellen Adarna explains the reason why she passed out during a sexy photo shoot

Ellen Adarna doesn’t advise other women to follow what she does before a shoot.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2016 1:38 AM
Ellen Adarna explains the reason why she passed out during a sexy photo shoot


120316-EllenA1_push.jpgSa press presentation ng Tanduay para sa kanilang 2017 Calendar Girl na si Ellen Adarna, naging mainit ang mga kuwentuhan tungkol sa kanyang mga preparation para sa naturang photo shoot.

Bukod dito, ikinuwento din ni Ellen ang tunay na dahilan kung bakit siya nag collapse sa pictorial niya para sa isang men's magazine.

Kuwento ni Ellen intense workout at diet ang kanyang ginagawa sa tuwing mayroon siyang pinaghahandaang photoshoot.

"Yes that's how I really prepare for the shoot. I work out, I diet, and I do what body builders do and I dehydrate three days before the shoot and that's what I do every time I have a photo shoot. Nag-pass out lang ako dun sa FHM kasi mainit and dehydrated, and I pass out because of the elements. I was not expecting na it wasn't that hot kasi every time na may shoot, sanay ako ng may aircon," kuwento ni Ellen.

Nagbigay advice din ang sexy actress sa mga umiidolo sa kanya na huwag gayahin ang kanyang ginagawang diet dahil sadyang mapanganib ito.

 "I do not advise girls to follow what I do. I only do that when there is an important shoot I don't do that on a daily basis, Mahirap maging sexy at magpa-sexy. It requires focus, dedication, and discipline. Yun lang three simple words but it's really hard to do," sabi pa ni Ellen.

Dahil achieve na achieve ang ka-sexyhan ni Ellen, all out din ang pag papakita niya ng kanyang sexy body sa kanyang mga social media accounts. Depensa ni Ellen ginagawa lang niya ang kanyang gustong gawin ng parang isang ordinaryo na tao.

"Hindi naman ako sexy e, nagpapa sexy lang! Charot.. Ganito talaga ako e I mean, I do what I want to do siguro just do what you want to do also. Yun lang."

Dahil sunod-sunod ang mga maiinit na pag papa sexy ni Ellen, naitanong din sa kanya kung handa na ba siya kung sakali na itanghal siya bilang number sexiest pinay.

"I think I just do the normal things that I do and work hard. If ako man ang maging number one (FHM), siguro result nalang yun sa mga ginawa ko. If not, it’s okay. Okay lang but I admit may pressure talaga pero konti lang," pagtatapos niyang kuwento.