• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina now undergoing nonstop training for Miss Universe

Maxine Medina now undergoing nonstop training for Miss Universe

Aces & Queens’ Jonas Gaffud gives a peek into Maxine Medina’s training.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/29/2016 10:10 AM
Maxine Medina now undergoing nonstop training for Miss Universe


122916-MissU_PUSH.jpgNonstop na sa training ang pambato ng Pilipinas para sa nalalapit na 65th edition ng Miss Universe pageant na magaganap sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Spotted sa mga Instagram post ng beauty pageant expert/queen maker na si Jonas Gaffud ang mga ginagawang training ng kanyang grupo na Aces & Queens para sa kanilang alaga na si Maria Maxine Medina.

Bahagi ng recent post ni Jonas ang isang maikling video kung saan ipinakita ang training ng pagrampa ni Maxine.

Bukod sa pagrampa, sumailalim din ng training si Maxine para sa one-on-one hair and makeup tutorial sa tulong naman ni Jerry Javier at ni Albert Kurniawan.

Bumisita din sa bansa ang Miss Universe candidate na si Kezia Roslin Cikita Warouw ng Indonesia, kung saan sumasailalim din siya sa hair and makeup tutorial para sa papalapit na pageant.

Nakatakdang dumating sa bansa ang mga 90 official Miss Universe candidates sa Pilipinas kung saan gaganapin ang coronation night sa January 30, 2017 (Manila Time) sa Mall of Asia arena, Pasay city.