• Home
  • Fresh Scoops
  • Macky Mathay on marrying Sunshine Cruz: ‘Kung tapos na ang lahat at pareho na kaming free’

Macky Mathay on marrying Sunshine Cruz: ‘Kung tapos na ang lahat at pareho na kaming free’

Macky Mathay also reacts to being compared to Cesar Montano.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/29/2016 10:02 AM
Macky Mathay on marrying Sunshine Cruz: ‘Kung tapos na ang lahat at pareho na kaming free’


122116-Macky_PUSH.jpgWalang problema sa kasintahan ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay kung ikumpara man siya ng marami sa estranged husband ng aktres na si Cesar Montano.

“Okey lang,” reaksyon dito ni Macky.

Dagdag pa niya, “I’m secure rin at saka I am my own man naman, eh, di ba, so, magkaiba kaming tao. Magkaiba yung pagkatao namin. Magkaiba yung kinalakihan namin at saka experiences. So, siyempre ako, I just try to be the best for Sunshine.”

Gaano ba tumagal yung courting bago niya napasagot si Sunshine?

“Ako naman, hindi ko rin talaga ginusto na i-bridge kay Hazel (Ara Mina). Gusto ko na makilala ko siya on my own, yung kaming dalawa lang talaga. Gusto ko na kahit pa kami nagkikita noon, maging kumportable siya sa akin kapag kausap niya ako.

“Safe to say siguro mga one and a half months (of courting) tapos okey na,” sagot niya.

Hindi ba masyado namang napakabilis non?

“Ang tadhana ba kailangang… di ba? Hindi naman natin alam kung… puwedeng biglaan na lang, di ba, alam mo yon? Kahit naman siguro si My Sunshine masasabi na hindi rin niya inakala.

“At saka lahat ng kaibigan namin, pamilya, sasabihin mabilis, baka mabilis ding mawala, ganu’n din naman, eh. Kaya nga sabi ko rin, mabilis nga nangyari ang lahat pero it doesn’t mean na mabilis ding matatapos.

“Tapos puwede namang manligaw rin araw-araw kahit kayo na, di ba? Puwede naman yon, you just make everyday special, di ba, yung kung bakit ka minahal nung taong mahal mo, dapat tuluy-tuloy mo lang ding gawin at saka siyempre dapat dadagdagan mo pa,” dire-diretsong paliwanag ng boyfriend ni Sunshine.

Pag natapos na ba ang legalidad sa kasal niya at ni Sunshine sa kani-kanilang dating asawa ay balak din ba nilang magpakasal?

“Siguro ang masasabi ko lang, kung tapos na ang lahat at pareho na kaming free, siyempre kahit ako, I want peace for my ex-partner and same for Sunshine also with Cesar. Who doesn’t want peace for everyone, di ba?

“And then when everything is said and done at pareho na kaming free nga, siyempre I’d want to spend the rest of my life with Sunshine,” sey pa ni Macky.

If ever na magkasalubong sila ni Cesar, iiwasan ba niya ito?

“Hindi. Ako kasi, hindi ako ganu’n, eh. Not because my family is from politics, pero hindi talaga ganun yung pagkatao ko. Kahit mga kaibigan ko nung elementary masasabi na… at saka wala naman kaming isyung dalawa (ni Cesar), eh?

“So, ano lang, I’ll be civil, of course, di ba? Kasi whatever happened in the past between him and Sunshine, eh, sa kanila yon,” pagtatapos ni Macky.