• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes’s biological dad visits her home, reconnects with Julia’s mom

Julia Montes’s biological dad visits her home, reconnects with Julia’s mom

Julia Montes is planning to visit her dad in Germany next year

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/29/2016 9:45 AM
Julia Montes’s biological dad visits her home, reconnects with Julia’s mom


122916-JuliaMontesPUSH.jpgSa The A List sa Tonight with Boy Abunda, ibinalita na naganap diumano ang intimate dinner sa pagitan ni Julia Montes at ng kanyang biological father na si Martin Schnittka sa isang Italian restaurant sa Cubao, Quezon City. Kasama din nila ang asawa ni Martin at ang stepbrother ni Julia.

Ayon sa ulat, naging emosyonal ang kwentuhan nang mag-sorry si Martin sa pagkawala niya sa buhay ng anak.

Noong December 28, bumisita rin si Martin sa bahay ng aktres, kung saan nakaharap muli ni Martin ang ina ni Julia na si Gemma.

Sa December 29 na ang lipad ni Martin palabas ng bansa at pinaplano na rin ni Julia ang pagbisita niya sa Germany next year.

Matagal nasabik si Julia na makilala ang biological father at last November 2016 niya nagsimulang makausap ito sa tulong ng pinsan niyang si Michelle at ng CocoJul fans club.