• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro is flattered that Jaclyn Jose agreed to be part of ‘Mang Kepweng Returns’

Vhong Navarro is flattered that Jaclyn Jose agreed to be part of ‘Mang Kepweng Returns’

Vhong Navarro hopes people will watch his new movie which opens on his birthday.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/29/2016 2:26 AM
Vhong Navarro is flattered that Jaclyn Jose agreed to be part of ‘Mang Kepweng Returns’


122816-VhongNavarro_Push.jpgHuling pelikula ni Vhong Navarro ang Buy Now Die Later na naging entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. Since then ay hindi na ulit siya nakagawa ng pelikula.

Sa presscon ng latest movie niyang Mang Kepweng Returns, nabanggit ni Vhong na hindi naman nawawala ang kanyang tiwala sa sarili na susuportahan pa rin ng moviegoers ang kanyang pelikula na showing on January 4, 2017. Isa raw ito sa ipinagdarasal niya.

“Ang nagpapalakas po ng loob ko ngayon ay ang pagdadasal ko po. Siyempre, hindi po natin alam yung mga bagay na Diyos lang ang nakakaalam o kung anong mangyayari sa buhay mo. Kumbaga, lahat po, sa Kanya ko inaalay, eh,” pahayag ng bida ng Mang Kepweng Returns.

Eh, what if hindi magklik ang movie?

“Kung hindi magklik o magklik, nasa Kanya po yon, eh,” sagot agad niya.

Patuloy pa ni Vhong, “Siguro, naging daan po itong January 4, kasi ito ang showing namin kasi kung ipinalabas kami nung MMFF, baka hindi po kami naging masaya. Kasami po magaganda rin yung mga pelikula na kaparehas din po naming comedy.

“Ito pong January 4, nagsosolo po kami sa comedy-suspense and fantasy. Baka po may isang magandang sign kaya ito yung naging playdate namin. At nagkataon pa po na ang mismong date na ibinigay sa amin para i-showing ang Mang Kepweng Returns ay mismong kaarawan ko po (Jan. 4),” katwiran niya.

Dagdag pa ng dancer-comedian, “Sa akin po, may magandang senyales yon. May kaba pero masyado rin po akong nae-excite kasi first time ko po ata na nagkaroon ng pelikula na na-timing po na ang first day ng showing ay birthday ko.”

Nakiusap din ang actor na sana raw ay birthday gift na lang sa kanya ng moviegoers na panoorin ang Mang Kepweng Returns.

“Kaya po, nagmamakaawa din po ako na manood sila para regalo na rin nila sa birthday ko,” pagbibiro pa niya.

Samantala, flattered si Vhong na nakasama niya sa Mang Kepweng Returns ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose.

“After manalo ng best actress (sa Cannes), ang next project niya, Mang Kepweng Returns. Di ba nakaka-proud dahil kasama namin si Miss Jaclyn Jose at nagpapasalamat kami na tinanggap niya ‘yung project,” proud niyang pahayag.

Biro pa nga raw sa kanya ni Jaclyn, “’Vhong maraming gustong kumuha sa akin, pero wala akong ibang tinanggap kundi ito lang pelikula na ‘to.’ Isa pong pagsaludo sa napakagaling na aktres natin,” sey pa niya.

Bukod kay Jaclyn, first time ring nakatrabaho ni Vhong si Kim Domingo na leading lady niya sa pelikula.

“Wala akong masabi, napaka-professional po, on time dumating sa set. Kumbaga, kahit anong ipagawa ni Direk GB (Sampedro), eh, talagang ginagawa niya. Saludo po ako pagdating sa trabaho kay Kim,” sambit ni Vhong.