PUSH Year Ender: Pinay Beauty queens who conquered 2016

Push lists down the Pinay beauties who made an impact on the pageant circuit.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/28/2016 10:29 AM
PUSH Year Ender: Pinay Beauty queens who conquered 2016


122816-BeautyQueens_Push.jpg“Confidently Beautiful with A Heart.” Ito ang mga katagang nag-angat muli sa tunay na kagandahan ng mga Pilipina sa larangan ng beauty pageant sa pag-umpisa ng 2016. Makalipas ang 42 taon, muling nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Pia Alonzo Wurtzbach ang korona ng Miss Universe.


Pagkatapos nito ay nagsunod-sunod na ang iba pang Pilipinang kandidata sa mga beauty pageant.

Ang Pinay beauty mula sa Bulacan na si Jeslyn Santos ay kinoronahan bilang kauna unahang Pinay winner sa Miss United Continents na ginanap noon sa bansang Ecuador.

122816-JeslynSantos_Push.jpg

Umangat din ang ganda ng mga pinadalang kandidata ng Binibining Pilipinas sa iba't ibang beauty pageant.

Pasok sa Top 15 ang Pinay beauty na si Miss Intercontinental Finalist Jennifer Hammond.

Nakipagrampahan din sa Top 25 ang Miss Supranational finalist na si Joanna Eden.

Sorpresa naman ang pagkakapuwesto bilang third runner up ng Miss Globe na si Nichole Manalo.

Angat na angat naman sa Q&A ang first runner up na si Nicole Cordovez sa Miss Grand International.

Pumuwesto din bilang third runner up ang ABS-CBN courtside reporter turned beauty queen na si Ganiel Arkisha Krishman sa Miss Asia Pacific International.

Nakipagsabayan naman si Camille Hiro sa naganap na Miss Global kung saan hinirang siya bilang first runner up.

First runner up din sa Miss Tourism Metropolitan International si Janella Joy Cuaton.

Pasok naman sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen of the year International na si Ashley Nichole Singh.

Winner din bilang Top Model of the World ang Pinay beauty na si Natalia Lalonde.

Bukod sa mga dalagang Pilipina, hindi din nag paawat ang mga pambato ng bansa na mga misis. Nakipagtalbugan sa international pageant arena sina Mrs. World Philippines Allie Jafaar, Mrs. Globe Philippines Fritzie Lexdy Noche at ang singer, entertainer na si Emma Cordero na nag uwi ng parangal sa Mrs. Universe bilang Woman of the Universe.

Bago naman magtapos ang 2016 muling nagdiwang ang bansa nang nauwi muli ang korona sa Pilipinas ang ika-walong Pinay sa Miss International na si Kylie Verzosa.


Naging malakas din ang naging laban ng Miss World Finalist na si Catriona Gray sa katatapos lang na Miss World Pagent kung saan itinanghal siya bilang Fourth runner up.

At ang pinaka inaabangan ng lahat ay ang pagpasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ng kanyang korona para sa susunod Miss Universe na magaganap sa Pilipinas sa darating January 30, 2017 kung saan nakatakdang lumaban si Miss Universe Philippines bet Maria Maxine Medina.