• Home
  • Fresh Scoops
  • James Blanco and family plan to move to New Zealand next year

James Blanco and family plan to move to New Zealand next year

James Blanco says they want to consider the best options for their kids.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/29/2016 2:25 AM
James Blanco and family plan to move to New Zealand next year


122816-JamesBlanco_Push.jpgAs an actor, hindi nililimitahan ni James Blanco ang kanyang sarili sa pagtanggap ng role sa pelikula o kahit sa telebisyon. Willing nga siya kahit may butt exposure, eh. Kaya lang, bilang pamilyadong tao, kailangan daw pag-isipang mabuti if he can still do daring roles na nire-require magpakita ng flesh.

“Nando’n ako sa stage na nagtatalo ako kasi siyempre, iko-consider ko rin na yung… tuksuhan alam mo naman, yung mga cyber bullying, di ba? Yung tuksuhan ng mga bata na mapapanood ng mga kaklase nila, ganyan-ganyan.

“So, sa akin naman, marami namang nagpapakita ng butt na hindi naman bastos. Kahit sa comedy, puwede ka namang magpakita ng butt exposure. Wala namang problema, eh,” simulang pahayag ni James.

Nakausap ng Push.com.ph si James sa presscon ng Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro. Isa si James sa cast ng pelikula na idinirek ni GB Sampedro na showing on January 4.

Patuloy pa ni James, “Hindi naman ako pretentious na tao, eh. Kasi since nag-start naman ako, eto na ako, eh. Lalo namang magugulat yung mga tao ba’t bigla na lang tumanggap si James ng ganito. Ano ba to, last hurrah na ba niya ito dahil wala nang magawa sa career niya? Ayoko naman ng ganu’n. So far, marami namang nagtitiwala pa sa akin.”

Inamin din sa amin ni James during the Mang Kepweng Returns presscon na tuloy na ang pagpunta nila ng New Zealand ng kanyang pamilya. In fact, aalis daw sila ng bansa sa April of 2017.

“Aalis ako first week of April. Pero bakasyon muna kasi hahanap pa ako ng bahay doon saka school ng mga bata. Pero yung isa ko kasi (anak) sa 2018 pa ga-graduate kaya baka after ng graduation niya saka pa lang kami lumipat lahat don,” balita niya sa amin.

Eh, ano ang reaksyon ng tatlo niyang anak na sa New Zealand na sila mag-aaral at titira?

“Sobrang excited nu’ng mga anak ko dahil nung kinuha ko na yung tickets, tapos nung lumabas na yung visa ko, tuwang-tuwa na sila. Excited na sila, akala nila nung Pasko, eh, mainit kaya useless. Gusto ng mga bata na makakita ng snow,” sagot ni James.

Hindi raw niya desisyon na sa New Zealand na manirahan ang kanyang pamilya.

“Actually, sila ang may gusto talaga na don mag-aral. Kami naman bilang magulang kung ano yung nakikita namin na bright future para sa mga anak mo yon lang naman yung iniisip namin. Eh, ang wife ko naman do’n siya lumaki, so wala ring magiging problema.”

Ayon pa kay James, matagal na rin daw niyang kinokondisyon ang sarili about migrating to New Zealand.

“Matagal ko nang kinokondisyon ang utak ko. Actually, siyempre hindi lang naman puwedeng yung sarili mo lang interes ang ikonsider mo, kailangan ding ikonsider na may anak ka. Sabi ko nga, kailangang puntahan muna namin, makita nila kung anong buhay do’n.

“Kasi siyempre, hindi naman nila alam, nakikita lang nila sa picture o sa video. Eh, mamaya makita nila na malungkot pala. Pero hindi ko pa rin naman iiwanan ang showbiz.

“Pag may trabaho ako, balik ako dito. Kung six months akong walang trabaho, don muna ako, tapos balik ulit dito pag meron na. Madali lang naman makauwi pag may trabaho talaga. Kasi mas makakaipon kami nang husto pag ganun, eh,” sabi pa ni James.