• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor, Eugene Domingo, Irma Adlawan are frontrunners for MMFF best actress

Nora Aunor, Eugene Domingo, Irma Adlawan are frontrunners for MMFF best actress

Nora Aunor, Eugene Domingo, Irma Adlawan talk about this year’s MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/27/2016 8:57 AM
Nora Aunor, Eugene Domingo, Irma Adlawan are frontrunners for MMFF best actress


122716-BestActresses_Push.jpgBago pa man mag-umpisa ang 2016 Metro Manila Film Festival noong araw ng Pasko, maingay na ang tatlong pangalan na maaring pagpiliian bilang Best Actress para sa 2016 MMFF.

Inaasahan na magtatagisan sina Eugene Domingo para pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank 2, Nora Aunor para sa pelikulang Kabisera at Irma Adlawan para sa pelikulang Oro.

Sa panayam na ito ng Push.com.ph kay Eugene, Irma, at Nora noong araw ng taunang float parade, ibinahagi nila ang kanilang nararamdaman tungkol dito.






Eugene Domingo

122716-EugeneDomingo_Push.jpg

Walang kompitensya naman para kay Eugene na ang tanging hangad ang magpasaya mg mga manunuod ngayong Pasko.

"Hindi naman po ako nakikipag-compete. Ang gusto ko lang naman po talaga ay lumabas ng mga tahanan ang mga tao sa Pasko at suportahan ang mga pelikula ng MMFF. Masayang masaya na po ako doon."

Nora Aunor

122716-NoraAunor_Push.jpg

Ikinasaya naman ng Superstar ang muli niyang pagkakasama para sa taunang selebrasyon ng pelikula.

"Hindi naman. Alam naman natin na ang lahat ng bida sa mga pelikulang kalahok ay pawang magagaling."

Irma Adlawan

122716-IrmaAdlawan_Push.jpg


No comment naman ang character actress. Aniya mas nais niya na marinig na mas malakas sa takilya ang kanyang pelikula kaysa sa pagiging best actress.

"No Comment.. Thank you... mas gusto ko po sana marinig na mas malakas kami sa takilya kaysa malakas ang laban ko."

Sa darating na December 29, 2016 ang awards night ng MMFF 2016 na gaganapin sa Kia Theater.